Kailan nagsisimula ang pagbibinata o ang tinatawag na puberty in males? At anu-ano ang mga palatandaang nangyayari na ito?
Nariyan ang paglabas ng taghiyawat, pagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan, paglalim ng boses, at marami pang iba. Madalas na nangyayari ang pagbibinata sa edad na 10 hanggang 14. Minsan mas maaga, minsan medyo mas huli. Bagamat hindi sabay-sabay magbinata ang mga lalaki, tandaang lahat ay dumadaan sa puberty at normal ang mga pagbabagong ito.
Panoorin sa video na ito ang mga pangunahing palatandaan ng pagbibinata!