Hudyat ng kakayahang magdalang-tao ng isang babae ang pagkakaroon ng regla. Kapag nagkaregla na kasi ang isang dalaga, ang ibig sabihin nito ay nagsimula nang mag-ovulate ang iyong obaryo at mag-produce ng egg cells.
Nireregla ang isang babae kapag walang naka-tagpong sperm cell ng lalaki ang kanyang egg cells – kumakapal ang dingding ng matris nito na siyang nilalabas bilang regla. Ngunit sa panahong hinog ang kanyang egg cells at nakatagpo ito ng isang sperm cell ng lalaki sa pamamagitan ng sex, ay mafe-fertilize ito. Ang pagsasanib na ito ang magbubuo ng isang fetus at mabubuntis ang babae.
Karaniwan ay hindi malalaman ng isang nagdadalaga na nag-o-ovulate na pala siya bago datnan ng unang regla. Kaya posibleng mabuntis ang isang dalaga bago datnan ng unang regla kung makikipag-sex nang walang gamit na contraceptive. Panoorin ang video na ito tungkol sa kug paano nangyayari ang pagbubuntis.