Bakit nga ba posible pa rin na hindi mabuntis kahit nakipagtalik nang walang proteksyon? Ito ang simpleng sagot d’yan: swertihan lang ‘yan.
Mahirap kasing malaman kung kailan eksaktong naglalabas ng hinog na itlog ang obaryo ng babae. Maaaring nagkataon lang na hindi nakatagpo ng itlog ang sperm, pero sa susunod na makipagtalik nang walang proteksyon, mataas pa rin ang tyansang mabuntis o makabuntis.
Kaya ‘wag umasa sa walang kasiguraduhan. Mas mabuting gumamit ng proteksyon kung ‘di pa ready magka-baby.
Narito ang isang video para mas maintindihan mo.