Katawan mo, kalusugan mo! May choices ka pagdating sa pag-maintain ng sexual health mo bilang bahagi ng overall health and well-being.
Maraming teenager ang nakararanas ng overwhelming emotions habang kinikilala ang sarili sa panahon ng pagdadalaga, pagbibinata, o puberty.
Hindi ka nag-iisa! Mahalagang magkaroon ng matiwasay at nakabubuting relasyon sa mga tao sa iyong paligid para samahan ka sa journey mo into adulthood. Ito rin ang panahon na posible ka nang magka-crush, o di kaya ay maging interesado sa pakikipagrelasyon. Alamin kung paano magkaroon ng healthy relationships sa pamilya, kaibigan, jowa, at sinumang maaari mong makasalamuha.
Hindi kailangan maging awkward o nakakailang ang pagiging teenager! Alamin at intindihin ang mga nangyayaring pagbabago sa iyong katawan, pati na rin ang mga iba’t ibang paraan para manatiling malusog, malinis, at confident habang ikaw ay nagdadalaga, nagbibinata, o dumaraan sa puberty stage.
Girl, boy, bakla, lesbiyana, o none of the above? Maraming teenagers ang hindi pa sigurado kung ano talaga ang kanilang gender identity at sexual orientation. Maaaring confusing, stressful, at nakakatakot ang stage na ito, pero pwede din itong maging maligaya, nakaka-enjoy, at makabuluhang oras ng iyong buhay. Tandaan na anuman ang iyon kasarian, okay at normal lang ito! Alamin kung paano maintindihan ang sariling kasarian at pagkakakilanlan at kung paano mas maipapahayag nang mas malaya ang iyong sarili.
Mas masayang i-explore ang teenage journey kapag laging healthy at protektado mula sa COVID-19 virus! Alamin kung paano maging safe at malusog habang tayo ay nasa isang pandemic.
Previous
Next
UGC banner with headline

Mga kahanga-hangang kwento at obra ng mga kabataan para sa kabataan!

#MalayaAkongMaging

Ligtas

Bilang teenager, marami kang bagong karanasan na maaaring maging exciting at masaya, ngunit may kaakibat din itong responsibilidad. Alamin ang iba’t ibang paraan kung paano maging safe habang ine-explore ang iba’t ibang karanasan sa panahong ito.

#MalayaAkongMaging

Malusog

Ngayon, higit kailanman, napakahalagang pangalagaan ang pisikal na kalusugan. Ito ang panahong marami kang mararanasang pagbabago sa iyong katawan. Alamin ang iba’t ibang paraan para lubos na maging malusog ang iyong katawan sa pamamagitan ng tamang nutrisyon, ehersisyo, tamang pagtulog, at kalinisan.

#MalayaAkongMaging

Masaya

Bilang teenager, marami kang bagong karanasan na maaaring maging exciting at masaya, ngunit may kaakibat din itong responsibilidad. Alamin ang iba’t ibang paraan paano maging safe habang ine-explore ang iba’t ibang karanasan sa panahong ito.

#MalayaAkongMaging

Matalino

Bawat desisyong gagawin mo sa panahong ito ay maaaring maging hakbang patungo sa iyong magandang kinabukasan. Subukan ang iyong kaalaman tungkol sa kalusugan, o kaya ay mag-explore ng iba’t ibang paraan kung paano maging wais at madiskarte pagdating sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.

Choose Your Experience

Pumili ng mga topic na interesado ka at i-click ang GO!