DMPA prod img

DMPA: Incredible Injectables!

Paano Gamitin ang DMPA?

DMPA Product page step 1.png

Ang Depo Medroxyprogesterone Acetate (DMPA) o mas sikat sa tawag na injectables ay isang uri ng hormonal contraceptive na itinuturok ng doktor, nurse, o midwife, sa braso, hita, o pigi ng isang babae.

DMPA Product page step 2.png

Itinuturok ito kada tatlong buwan o 12 weeks para masigurong epektibo.

DMPA Product page step 3.png

Tumatagal lamang ng ilang segundo ang pagtuturok nito.

Paano Gumagana ang DMPA?

Pills how it works 1.png

Pinipigilan nito ang ovulation. Hindi maglalabas ng hinog na itlog ang obaryo kaya walang mapepertilisa ang semilya sa panahon ng pakikipagtalik.

Pills how it works 2.png

Pinakakapal o pinapalapot nito ang mucus na nakabalot sa bukana ng matris (cervix) na magsisilbing harang upang pigilan ang pagpasok ng sperm ng lalaki sa matris.

Pros and Cons

Sino ang Pwedeng Gumamit ng DMPA?

Nagpapasusong ina.png

Pwede sa mga nagpapasusong ina

bagong panganak.png

Pwede sa mga bagong panganak

teen sex active.png

Pwede sa teenagers na sexually active

walang anak.png

Pwede sa wala pang anak

Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Kapag Nagpapaturok ng DMPA

Dapat Gawin

  1. Relax lang kapag tinuturukan ng DMPA. Ilang segundo lang naman ang itatagal nito!
  2. Pagkatapos ang unang injection, gumamit muna ng condom sa loob ng isang linggo kapag makikipagtalik o di kaya naman ay iwasan munang makipagtalik.

Hindi Dapat Gawin

  1. Huwag na huwag kakalimutang bumalik para magpaturok sa takdang oras (pagkatapos ng 12 weeks o tatlong buwan) para mapanatili ang pagiging epektibo nito.
  2. Huwag itong ipaturok kung ikaw ay may history ng sakit sa puso o highblood.

Frequently Asked Questions

Ang DMPA o mas kilala sa tawag na injectables ay isang hormonal contraceptive na ini-inject para pumigil sa obaryo na maglabas ng itlog upang maiwasan ang pagbubuntis. Pinapakapal din nito ang mucus sa bukana ng matris (cervix) at pinananatiling manipis ang dingding ng matris para hindi magtagpo ang semilya at itlog. 

Ang pagpapa-inject ay ginagawa sa tulong ng isang doktor,nars o midwife kada 3 buwan o 12 weeks. Sa kabuuan, ini-inject lamang ito nang apat na beses sa isang taon.

Ang DMPA ay 96% na epektibo sa pagpigil ng pagbubuntis.

Kung may reseta, maaari itong bilhin sa mga botika at pwedeng ipaturok sa ospital o clinic na malapit sa iyo. Maaari din itong makuha at maipaturok nang libre sa mga health centers, health clinics, government hospitals at ibang clinics at non-government organizations (NGOs)NGOs.

Bukod sa epektibo itong kontraseptibo, reversible rin ito. Ibig sabihin pwede mo itong ihinto sa oras na gustuhin mo nang magbuntis. 

Dagdag pa rito, kung makakalimutin ka sa pag-inom ng pills araw-araw at hindi pa komportableng magpalagay ng implant o IUD, para sa iyo ang DMPA dahil ang kailangan lang gawin ay bumalik sa clinic o ospital para magpaturok pagkatapos ng tatlong buwan.

Hindi rin ito nakakaapekto sa pakikipagtalik at pwedeng-pwede ito para sa mga babaeng kailangan ng contraceptive na walang estrogen.

Kung kapapanganak pa lamang at nagpapasuso, mas mabuting maghintay ng anim na linggo bago magpaturok nito. Kung hindi naman nagpapasuso, pwedeng magpa-inject nito pagkatapos ng tatlong linggo pagkapanganak. Maganda ring kumonsulta muna sa iyong doktor, trained na nars o midwife tungkol sa pagpapa-inject.

Oo, masakit ang magpa-inject at posibleng makaramdam ng pagbigat ng braso na maaaring tumagal nang ilang oras hanggang ilang araw. Konting tiis lang sa sakit dahil sulit naman ito sa huli!

Pwedeng-pwede itong i-inject kahit kailan. Ang doktor, trained nars o midwife naman ang magtuturok nito kaya walang dapat na ikabahala.

Ilan sa mga common na side effects ng pagpapa-inject ay ang mga sumusunod: 

  • Hindi regular o hindi inaasahang pagdurugo.
  • Paglakas, paghina, o tuluyang paghinto ng regla isang taon matapos ang sunud-sunod na pagpapa-inject. 
  • Pagbabago sa timbang
  • Pagkahilo
  • Pananakit ng ulo 
  • Maaaring mas tumaas ang tsansa ng pagnipis ng mga buto. Maaaring uminom ng calcium supplements para mapigilan ito. 

 

Bagman hindi lahat ay nakakaranas nito, kadalasan namang nawawala rin kapag nasanay na ang katawan. 

Dahil reversible ang kontraseptibong DMPA, pwede mo itong ihinto sa oras na gustuhin mo nang magbuntis. Pero dahil may tsansang hindi agad bumalik ang normal na cycle ng regla, maaaring hindi agad-agad mabuntis pagkatapos ihinto ang DMPA. Pwedeng abutin ng isang taon bago mabuntis mula noong huling turok.

Hindi. Tanging sa pagbubuntis ka lamang nito kayang protektahan. Gumamit din ng condom para  makasiguro na hindi ka mabubuntis at mahahawa ng mga sakit.

Featured Video

Contraceptives

Product Image.png

Condom

Implant prod img.png

Implant

IUD prod img.png

IUD

Pills prod img.png

Pills

Related Articles

DMPA prod img

Saan Makakakuha?

  • Kung may reseta, nabibili ito sa mga botika at pwedeng ipaturok ito sa mga ospital sa tulong ng isang doktor, nars, o midwife.
  • Pero pwede mo rin itong maipaturok nang libre sa mga health centers, clinics, government hospitals at ibang clinics at non-government organizations (NGOs).