214

Pamilyar ka ba sa depresyon? Subukin ang iyong kaalaman!

Hindi biro ang usapin tungkol sa depresyon. Maraming nakakaranas ng sakit na ‘to at hindi sila OA, “exage”, o nagda-drama lang. Dahil dito, mainam kung may sapat at tamang impormasyon para mapangalagaan ang mental health, at para maging sensitibo rin sa pinagdadaanan ng ibang tao (Basahin: #Sadboi lang ba o depressed na?).

Sukatin sa quiz na ito ang iyong kaalaman pagdating sa depresyon.

Paalala: Sinusukat ng quiz na ito ang kaalaman lamang tungkol sa depresyon. Hindi ito katumbas ng medical diagnosis at hindi ito dapat gamitin para mag self-diagnose. Mainam pa rin na kumonsulta sa isang propesyonal kung kinakailangan.

1 / 10

Ang depresyon ay hindi karaniwang mental health condition at kaunti lang ang nakakaranas nito.

2 / 10

May iba’t ibang uri ng depresyon.

3 / 10

Kadalasan, ang taong may depresyon ay walang ganang gawin ang mga simpleng bagay na nakagawian na tulad ng pagpasok sa trabaho, paglabas kasama ng pamilya at kaibigan, o paglilinis ng bahay.

4 / 10

Ang taong may depresyon ay hindi na nag-eenjoy sa mga aktibidad na dati ay nagpapasaya sa kanya.

5 / 10

Ang taong may depresyon ay karaniwang may problema sa haba ng tulog gaya ng labis na tagal ng pagtulog o kaya naman nahihirapang makatulog o manatiling tulog.

6 / 10

Ang taong may depresyon ay laging nakararamdam ng lubhang kalungkutan, kawalan ng pag-asa, pesimismo, at iba pang negatibong emosyon.

7 / 10

Ang taong may depresyon ay maaaring walang gana o mahinang kumain

8 / 10

Maaaring depressed ang isang tao kung biglang nakararamdam ng matindi ngunit panandaliang kalungkutan.

9 / 10

Alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong para maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon?

10 / 10

Nagagamot ba ang depresyon?