Naramdaman mo na ba yung kaba sa tuwing maiisip mong makakasalubong mo siya sa hallway o sa canteen? E yung saya kapag saglit na nagtatama yung mga mata niyo? O yung kilig sa small interactions niyo sa araw-araw? Yieee… May crush na siya!🙈
Nakaka-thrill talaga kapag may crush, ‘no? Kapag may crush ka feeling mo parang makita mo pa lang siya ay buo na ang araw mo. Hay! Kaso paano kung malaman mong hindi ka pala niya crush? Ouch!
Reality check: Hindi naman porke crush mo ay crush ka na din niya. Pwede mong i-try na effortan para magustuhan ka din ni crush. Pero hindi naman napipilit ang attraction. Gano’n talaga. Ang tawag doon ay unrequited feelings o one sided feelings.
Minsan, masakit talaga kung hindi kayo same ng feelings sa isa’t isa. Lalo na kung intense ang pagkakagusto mo sa kanya. Pero tandaan na hindi ito ang end of the world ha! Ano nga bang pwedeng gawin kung talagang heartbroken na? Narito ang ilang tips na maaaring makatulong:
1. Damhin mo lang muna.
Na-hurt ka? Iiyak mo ‘yan. Okay lang na damhin muna yung pain kaysa naman kimkimin mo ito hanggang sa sumabog ka. Hindi naman ibig sabihin nito ay forever ka nang magiging malungkot. Mahalaga lang na bigyan mo ang sarili mo ng sapat na panahon para madama yung sakit hanggang sa mawala ito nang tuluyan.
2. Share mo na ‘yan.
Minsan kailangan lang nang matinding vent session para maintindihan ang feelings. Kaya mag-set na ng date kasama ang bestie o ang tropa. Malaking bagay yung may kaibigan kang mapagsasabihan ng feelings mo para mas mabilis kang maka-move on. Syempre sabihan mo na rin sila na limitan ang pagbanggit tungkol kay crush sa mga susunod na araw para iwas sakit. Kung hindi ka naman komportable mag-share sa friends, pwede mo ring i-express ang feelings mo sa paraang gusto at kaya mo, gaya ng pagsusulat sa journal, pagguhit, pagkanta, at iba pa.
3. I-distract ang sarili.
Mahirap talagang pigilan ang utak na hindi mag-isip kaya distraction ang kailangan! At pag sinabing distraction hindi ‘yan paghahanap ng bagong crush ha. Maglaan ng oras sa paggawa ng mga healthy na bagay na nakapagpapasaya sayo. Mapa exercise man ‘yan, paglabas kasama ng mga kaibigan at mahal sa buhay, o pagbabasa at panonood ng paborito mong series na 10x mo nang napanood, gawin mo lang! Mas maraming enjoyment nang malayo kay crush (o sa pag-iisip sa kanya), mas mabilis ang pagmu-move on!
4. ‘Wag mag-stalk!
Please, kahit mahirap, iwasang mag-stalk sa mga social media accounts ni crush dahil pababagalin lang nito ang moving on process mo. Kapag mas nakikita mo siya online, mas mararamdaman mong parte siya ng buhay mo kahit hindi naman talaga. Kung hindi mo ma-unfollow, eh kahit siguro i-hide mo muna pansamantala hanggang sa maging okay ka na.
5. Tandaan na hindi lang ikaw ang nakararanas ng ganito.
Kahit na feeling mo walang makakaintindi sa heartache na nararanasan mo, tandaan na ‘di ka nag-iisa. Karamihan ng tao ay nakaranas na hindi maging crush ng crush nila minsan sa buhay nila. May karamay ka! Balang araw, matatawa at magki-cringe ka na lang kapag binalikan mo ang kwentong crush mo.
Huling paalala: Self-love all the way!
Laging isipin na porke hindi ka crush ng crush mo ay may mali na sa iyo. Hindi lang talaga kayo match, at madalas gano’n talaga ang buhay.
Sa panahong ito, mas dapat na maging caring at mapagmahal ka sa sarili. Enjoy mo lang ang life, kasi malamang ay makikilala mo rin ang ka-match mo in the future. 😉