2030

I-Test ang Kaalaman Tungkol sa Pagbubuntis!

Marami ka na sigurong narinig na impormasyon kung paano nabubuntis ang isang tao mula sa iyong mga kaibigan, sa TV o pelikula, at sa mga taong nakapalibot sa iyo. Pero alin kaya sa mga ‘yon ang totoo at alin ang hindi? Sagutan ang quiz na ito para malaman kung alam mo ba ang #fact at ang #fakenews pagdating sa pagbubuntis!

1 / 8

Kapag tumalon pataas at pababa ang isang babae pagkatapos makipagsex, hindi siya mabubuntis.

2 / 8

Ang isang babae ay hindi mabubuntis kapag hinugot naman agad ng lalaki ang kanyang titi bago siya labasan o mag-ejaculate.

3 / 8

Hindi mabubuntis ang isang babae kung siya ay nakipagtalik nang walang proteksyon habang may regla.

4 / 8

Kapag nagdikit ang ari ng isang babae at lalaki, may tsansa nang mabuntis at mahawa ng STI.

5 / 8

Kapag nagswimming ang isang babae sa pool na mayroong semilya, mabubuntis siya.

6 / 8

Posible nang mabuntis ang isang taong nagdadalaga at may matris, bago pa man dumating ang unang regla.

7 / 8

Hindi nakakabuntis ang pagtatalik sa ilalim ng tubig.

8 / 8

Hindi kailangang intindihin ng mga lalaki ang contraceptives dahil responsibilidad na ito ng mga babae.