“Ayan kasi! Kaka-cellphone mo ‘yan!” Narinig mo na ba ang linyang ‘yan mula sa magulang mo?
Sa panahon ngayon, madalas tayong nakababad sa gadgets para mag-internet – pwedeng para sa school, work, o entertainment. Malaking bagay ang naitutulong nito sa buhay natin, pero alam mo bang pwede ka ring mapahamak kung ‘di ka wais sa paggamit nito?
Tandaan, kahit pa naka-private ang mga account mo, walang tunay na pribado sa internet. Kaya dapat talagang mag-ingat sa mga pinopost mo – lalo na kung sensitibo o pribado ang nilalaman nito. Higit sa lahat, mag-ingat din sa mga taong nakikilala mo online dahil maraming nagtatago sa fake accounts para manloko ng kapwa!
Para sa karagdagang tips at impormasyon, panoorin ang maikling video na ito.