Ang sexually transmitted infections (STIs) ay mga sakit na pwedeng makuha sa pakikipagtalik–kahit pa ito’y oral, anal, o vaginal sex–kung hindi gagamit ng proteksyon o condom. Kabilang sa sintomas ng STIs ang pamamaga, pananakit, o pagkakaroon ng rashes o pantal sa ari.
Kung nakararanas ng ganitong mga sintomas o kaya naman nakipagtalik nang walang proteksyon, marapat na magpa-test para sa STIs. Kung maaga itong matutuklasan, mas mabilis din itong maaagapan.
Ugaliin ang paggamit ng condoms at regular na pagpapa-test kung ikaw ay sexually active. Para sa karagdagang impormasyon, panoorin lang ang video na ito!