Si Cali* ay napakamakakalimutin. At isa sa mga madalas niyang makalimutan ay ang pag-inom ng pills araw-araw. Tapos magpapanic na siya kasi alam niya na pwede niyang ikabuntis ang hindi niya pag-inom ng pills. Pero ano ba ang una niyang dapat gawin kapag naka-miss siya nang pag-inom ng contraceptive pill?
Merong dalawang bagay na mahalagang bigyang pansin kapag nakaligtaan mong uminom ng birth control pills: kung anong klaseng pills ito at kung kailan ang huling inom mo ng pills.
Combined Oral Contraceptives (COCs)
Ang pinaka common na pills na ginagamit ng mga babae ay ang hormonal contraceptives at ang pills na mayroong estrogen at progesterone ay tinatawag na combined oral contraceptives (COCs). Iniinom ito araw-araw sa loob ng 21 days pero may scheduled break ito ng 7 na araw kung saan ang iinumin mo lamang ay ang inactive pills (o pills na walang laman na gamot).
Kung may namiss na 1 pill:
Inumin mo lang agad ang namiss mong pill sa oras na maalala. Hindi mo pa kailangan ng extra protection gaya ng condom.
Kung may namiss na 2 pills:
Inumin mo agad ang pinakahuling namiss mong pill sa oras na maalala at itapon na ang isa.
Gumamit muna ng condom kung makikipagsex sa loob ng 7 araw.
Kung may scheduled break, ipagpaliban muna ito at dumiretso na sa susunod na pakete ng active pills.
Kung may namiss na 3 pills higit pa:
Itigil mo na ang pag-inom at itapon na ang pakete ng pills
Gumamit muna ng condom kung makikipagsex habang naghihintay na reglahin kang muli
Kapag niregla ka ng muli, magsimula na ng panibagong pakete ng pills
7 days na tuloy-tuloy na pag-inom bago ito magiging epektibo kaya gumamit pa rin ng condom kung makikipagsex sa loob ng 7 days. Pagkatapos ng 7 days, safe ka na muli.
Mini pill o Progestin-only Pills (POP)
Ang isa pang klase ng pills ay ang “mini pill” o progestin-only pills. Ang pills na ito ay walang estrogen na kasama. Wala rin itong inactive pill na araw at iniinom ito sa parehong oras araw-araw. Ito ang ligtas gamitin para sa mga nagpapasuso.
Di tulad ng hormonal contraceptives, ang mini pill ay maaari mo lamang inumin ng late sa loob ng tatlong oras.
Kung nakamiss kang uminom ng MABABA sa 3 oras:
Inumin ang namiss na pill sa oras na ito’y maalala.
Inumin ang pill nakatakda sa araw na iyon ayon sa oras ng pag-inom.
Patuloy na inumin ang natitirang mga pills nang ayon sa nakatakdang oras ng pag-inom.
Kung nakamiss kang uminom ng MAHIGIT sa 3 oras:
Inumin ang namiss na pill sa oras na ito’y maalala.
Inumin ang pill na nakatakda sa araw na iyon ayon sa oras ng pag-inom.
Patuloy na inumin ang natitirang mga pills nang ayon sa nakatakdang oras ng pag-inom.
Gumamit ng condom bilang back up method sa loob ng 2 araw o di kaya’y wag munang makipagtalik.
Kung nakamiss kang uminom ng 2 pills
Inumin mo agad ang pinakahuling namiss mong pill sa oras na maalala at itapon na ang isa.
Gumamit muna ng condom kung makikipagsex sa loob ng 7 araw.
Patuloy na inumin ang natitirang mga pills nang ayon sa nakatakdang oras ng pag-inom.
Kung nakamiss kang uminom ng 3 pills
Itigil mo na ang pag-inom at itapon na ang pakete ng pills
Gumamit muna ng condom kung makikipagsex habang naghihintay na reglahin kang muli
Kapag niregla ka ng muli, magsimula na ng panibagong pakete ng pills
7 days na tuloy-tuloy na pag-inom bago ito magiging epektibo kaya gumamit pa rin ng condom kung makikipagsex sa loob ng 7 days. Pagkatapos ng 7 days, safe ka na muli.
#MalayaAkongMaging LIGTAS
No need to panic! Tandaan lamang ang mga #ContracepTIPS na ito. At kung nangangamba pa rin, magandang kumonsulta sa doktor kung ano pa ang ibang contraceptives na available para iwas kalimot at iwas unplanned pregnancy.
*Ang mga pangalang nabanggit ay walang pinatutungkulang tao at ginamit lamang bilang halimbawa.