Sabi nga nila, “you only live once” o #YOLO. Kaya, dapat gawin mo ang mga bagay na makapagpapasaya sayo. Kasama na roon ang pagdedesisyon para sa sarili mong mga pangarap. Eh paano kung iba yung plano at expectations ng mga magulang mo para sa iyo? Susundin mo ba sila o YOLO?
Walang magagawa ang pag-awayan ito o maging dahilan pa ng mga problema sa pamilya. Kaya narito ang ilang tips na pwede mong gawin kung sakaling mapunta ka sa ganitong sitwasyon.
1. Intindihin ang kanilang pinanggagalingan.
Halos lahat naman ng magulang gustong mapabuti ang anak nila kaya ganoon na lamang sila kung mangarap. Bilang magulang, gusto nila secured ang kinabukasan mo at maging successful at masaya ka sa future.
Kaya bago ka ma-pressure o ma-stress, subukan munang ilagay ang iyong sarili sa kinatatayuan nila at intindihin sila.
2. Simulan ang #RealTalk sa magulang.
Kung pakiramdam mo ay masyadong mataas ang expectations nila para sa iyo at matindi ang pressure na dulot nito sa’yo, mabuting pag-usapan ito nang masinsinan.
Minsan kasi hindi alam ng mga magulang ang tunay na kapasidad ng anak nila. Madalas syempre ang tingin nila ay “the best” ang anak nila sa lahat ng bagay. Minsan naman maaaring feeling mo wala silang bilib sa ‘yo.
Kaya humanap ng magandang timing para pag-usapan ito at ipaintindi sa kanila kung ano ang kaya at hindi mo kayang gawin. Pwede mo itong simulan sa pagtatanong kung anong mga desisyon nila ang sinuportahan ng kanilang mga magulang noon para mabalikan din nila ang mga pagkakataon na kinailangan nilang magdesisyon para sa sarili. Sabihin mo rin sa kanila kung paano mo nakikita ang sarili mo sa future. Hindi ka man ganon pa kasigurado, at least ay secured pa rin sila na may plano ka para sa kinabukasan mo.
3. Tandaan na ikaw ay sapat.
Ano man ang maging desisyon mo o piliin mong gawin, hindi ito kabawasan sa halaga mo bilang tao. Kung masaya ka sa ginagawa mo at alam mo sa sarili mong nandito ang iyong puso, subukang unti-unting ipaintindi ito sa mga magulang habang kinoconsider din ang kanilang opinyon. Ano man ang maging desisyon mo o kahinatnan nito, hindi ito kabawasan sa halaga mo bilang tao.
Paano kung ‘di pa rin okay?
At the end of the day, dapat responsable ka sa mga desisyong gagawin mo para sa sarili mo. Pero tandaan din na habang ikaw ay wala pa sa wastong edad, responsibilidad ka pa rin ng iyong mga magulang at malamang ay wala naman silang ibang hangad kundi ang mapabuti ka.
Pwede rin kasing magbago pa ang iyong isip tungkol sa isang bagay kapag nawala na ang excitement o thrill nito kaya kailangan mo pa rin ang constant na gabay at advice ng iyong mga magulang.
Pwede mo ring subukang humingi ng abiso sa mapagkakatiwalaang nakatatanda sa’yo para kunin ang opinyon nila rito.
#MalayaAkongMaging MASAYA
Hindi man kayo pareho ng magulang mo ng gusto o plano para sa kinabukasan mo, tandaan na walang ‘di pagkakaunawaan ang hindi nareresolba ng isang maayos na usapan. Ano man ang maging desisiyon mo, ang mahalaga ay masaya ka at alam mong hindi mo ito ikasasama. Ipaintindi kela mother ang salitang YOLO, malay mo ma-gets nila at suportahan ang life decisions mo!