274

Trot o Charot: Everything about Regla

Normal para sa isang babae ang pagkakaroon ng regla, ngunit napakarami pa ring mga kuro-kurong kumakalat tungkol dito. Alamin ang mga Pinoy pamahiin na dapat tuldukan sa video na ito. Pagkatapos ay sagutin kung TROT (totoo) o CHAROT (sadyang mali at walang basehan) ang mga sumusunod.

1 / 10

Ang regla ay maruming dugo na kailangan ilabas ng katawan.

2 / 10

Nakakalaki ng puson kapag hindi nireregla.

3 / 10

Hindi nagdudulot ng cancer ang hindi pagreregla.

4 / 10

Namumuo ang mga dugo sa loob ng matris kapag hindi niregla.

5 / 10

May myoma sa matris kapag hindi nireregla ang isang babae.

6 / 10

Maaaring sumakit ang ang ulo kapag hindi nagreregla.

7 / 10

Tumalon mula sa ikatlong baitang ng hagdan kapag unang regla para hindi dumami ang araw ng pagregla mo.

8 / 10

Hindi nakakakinis ng mukha ang unang regla.

9 / 10

Huwag uminom ng malalamig at kumain ng maasim kapag may regla dahil hihinto ang daloy ng dugo mo.

10 / 10

Bawal maligo kung ikaw ay may regla dahil mapapasma ka.