Halos tatlong taon na nang magsimula ang COVID-19 pandemic. Buong mundo ay nag-adjust sa mga pagbabago sa pang-araw-araw na buhay gaya na lang ng social distancing at pagsusuot ng face mask. Pati ang mga bagets apektado rin. Noon nga ay bawal talagang lumabas ang mga kabataan! At ngayon naman ay balik face-to-face classes na. Ikaw, excited ka bang bumalik sa school o mas bet mo na ba ang online classes? For sure panibagong adjustment na naman ito.
Maaaring nakaka-stress na patuloy na kailangan mag-adjust sa mga pagbabagong ito, kaya naman pag-usapan natin kung paano ba mag-cope para oks pa rin ang ating mental health!
Paano alagaan ang mental health sa pabagu-bagong mundo ngayong pandemya?
Bukod sa araw-araw na pagti-Tiktok at Facebook, ito pa ang ilang activities na pwede mong gawin para iwas buryong o restlessness ngayong pandemic:
1. Maki-bond with the fam.
Paunti-unti nang nagbabalik ang mga tao sa school at opisina. Kung dati ay halos magsawa kayong mag-bonding ng kapatid mo sa bahay, baka ngayon ay lilipat na siya sa malayo para mag-college. Kung dati ay naka-work from home pa si mama, baka ngayon ay back-to-office na siya buong linggo. Kaya naman tuwing weekend o kung kailangan nariyan ang buong pamilya, maki-bonding at sulitin ang family time! Malaking tulong talaga sa ating mental health ang maglaan ng oras para makasama ang mga mahal natin sa buhay.
2. Magbasa ng maraming books.
Ay bes, promise, maraming ebooks na available online: mura lang at ‘yung iba for free mo pa makukuha. Sabi nga nila, “so many books, so little time.” Totoo yan, kasi habang tumatanda, mawawalan ka ng time sa mga ganitong klaseng bagay. Atsaka ‘di lang pang-academics ang pagbabasa ng libro, pwede rin itong pang-entertainment dahil ang daming iba’t ibang genre na pwede kang mainteres! Maraming bagong pwedeng ma-discover dito!
3. Sumubok ng bagong hobby.
Pwede kang matuto ng bagong skill katulad ng pagluluto, pagdo-drawing, pagko-crochet, pagpipinta, paghuhulma ng clay, at kung anu-ano pa! Siguradong maraming lalabas na free tutorials kapag sinearch mo ‘yan online. Tapos kapag na-feel mo na may potential ka rito, pwede mo ring gawing side-line o side-hustle ito.
4. Mag-focus sa priorities.
Marami mang ‘di inaasahang pangyayari sa mundo na ‘di natin mapipigilan, may mga bagay pa ring pwede nating pagbutihin. Galingan sa school at paniguradong magiging proud ‘di lang ang magulang mo, pati na rin ikaw! Ang pagpapaka-busy o pag-focus sa mga importanteng bagay ay magandang paraan para ‘di ma-stuck sa negative thoughts. Pero syempre, take a break din at mag-chill para iwas stress!
5. Mag-exercise at mamuhay nang healthy.
Ang pag-aalaga sa ating katawan ay may positibong epekto rin sa mental health. Hindi alam kung paano sisimulan ang pagwo-workout? YouTube is the key, mga bes! Maraming channels na ang topic ay pagiging fit at iba-iba rin ang klase ng exercise. Pwedeng dance workout, jump rope, Zumba, yoga, weightlifting, martial arts, at iba pang sports. Ang importante, pumili ng physical activity na mag-eenjoy ka! Kung gagawin ito kasama ang ibang tao, i-practice pa rin ang safety protocols. At don’t forget, kasama rin sa pagiging fit at healthy ang pagkain nang balanced meals at pagtulog nang sapat na oras.
6. Mag-open up sa mga taong pinagkakatiwalaan.
Maghanap ng mga kaibigan, kapamilya, o kakilala na mapagkakatiwalaan para makapag-share ka ng mga naiisip mo. Siguradong sila rin ay nangangailangan ng makakausap. At kung tingin mo ay kailangan mo, i-contact ang mga organisasyon o grupo na nagbibigay ng counseling services. Maraming libre riyan. Kapit lang tayo ha, mga kapatid!
#MalayaAkongMaging LIGTAS
Uy, pwede pa rin malungkot ha. Hindi naman araw-araw pasko, lalo na ngayong panahon ng COVID-19. Ang lakas talaga maka-down ng mood ‘pag ‘di natin masiguro kung kailan talaga matatapos ang pandemic. Samahan mo pa ng anxiety na baka magkasakit ka kung lalabas ka. Valid ang malungkot. Paalala lang na i-practice ang positive outlook sa buhay: iwasan ang negativity at mag-focus sa mga maaaring makapagpapasaya sa iyo.