“Ma, Pa, kailan ako magpapa-booster?” Sabi ni Jethro* pag-uwi niya galing school. “Sabi kasi sa school, bantayan din daw kung kailan ang susunod para raw protektado pa rin kami.”

“Kailangan ba ‘yun? Nabasa ko sa Facebook na okay na raw kapag nakapagpa-1st at 2nd dose ka ng vaccine. Nakakatakot, baka kung ano mangyari sa atin pag dinagdagan pa.” Sagot naman ng kanyang Papa.

“Ay nako kayo talagang dalawa! ‘Yung mga manok nga ng Papa mo nakakailang pa-booster na para hindi dapuan ng sakit, tapos ikaw na anak ayaw paturukan ng booster,” pabirong sinabi ng Mama ni Jethro.

Noong na-develop na ang iba’t ibang COVID-19 vaccines, pinayuhan tayong magpaturok muna ng primary series o iyong panimulang bahagi ng vaccination. Karamihan ng mga vaccine brands ay may dalawang doses, at may dalawang brands na isang dose lang sapat na. 

Binigyan tayo ng mistulang protective force field ng vaccines. Unti-unting nanumbalik ang confidence natin sa paglabas para magawa ang mga importanteng lakad at makapunta sa pasyalan simula nang dumami ang bakunado. 

Akala natin back to normal na pagkatapos ng bakuna, ‘di ba? Actually, kailangan pa rin talaga ng dagdag proteksyon dahil nasa paligid pa rin natin ang COVID-19 virus. Kaya naman booster is the key!

Para saan ba ang booster shot? 

Ang booster shot ay ang extra dosage ng bakuna na tinuturok ilang buwan pagkatapos ng primary series. Galing sa salitang “boost,” na ang ibig sabihin ay magtulak o magdagdag, ang booster shot ay nagbibigay ng karagdagang depensa sa ating katawan laban sa COVID-19 virus. 

Alam mo bang habang tumatagal, pwedeng bumaba ang proteksyong ino-offer ng primary series ng bakuna laban sa COVID-19? ‘Yan ang rason kung bakit importanteng magpaturok ng booster shot. Para tuloy-tuloy ang proteksyon laban sa virus!

Ayon sa pag-aaral, 94% ang efficacy o bisa ng vaccine laban sa malalang sintomas ng COVID-19 sa loob ng 50-100 araw o 2-3 na buwan mula nang matapos ang primary series. At bumababa ito sa 80% pagkalipas ng 200-250 araw o 6-8 na buwan. Patuloy ang pagbaba pag sumobra pa sa 8 buwan. 

Gulat ka ba? Kaya huwag nang hintayin pang bumaba ang bisa ng iyong vaccine, kumpletuhin ang primary series at magpa-booster base sa advised na araw!

Tuwing Kailan ang Iyong Booster Shot

Iba-iba ang timing ng pagpapa-booster at depende rin ito sa brand ng primary series ng vaccine. Nasa table sa ibaba kung kailan ka dapat magpa-schedule ng iyong susunod na booster shot:

Booster for kids ands teens

Mahalagang sundin ang payong oras ng pagpapa-booster shot depende sa brand ng iyong primary doses. Ang inirerekomendang schedule na ito ay base sa mabusising pag-aaral ng mga eksperto kung kailan ito magiging pinaka-mabisa. Magpa-schedule na ng iyong unang dose ng primary series at segundahan ng booster para makaiwas ka at ang mga taong nasa paligid mo sa virus. 

#MalayaAkongMaging LIGTAS

I-check na agad ang vax card mo para malaman kung dapat ka nang magpa-booster shot.  Maging alerto at agad na magpa-schedule sa inyong barangay, LGU, o health center dahil baka kailangan mo na ng dagdag na proteksyon laban sa virus. Ngayon ay inirerekomenda na rin ang pangalawang booster shot kaya i-check ang iyong local health providers kung available din ito para sa ‘yo. 

*Ang mga pangalang nabanggit ay walang pinatutungkulang tao at ginamit lamang bilang halimbawa.