
Condoms: Doble Proteksyon para sa Ligtas na Pakikipagtalik
- 85-98% epektibo sa tamang paggamit
- Makakaiwas sa ‘di planadong pagbubuntis
- Proteksyon laban sa HIV at ibang sakit na naihahawa sa pakikipagtalik (STIs)
- Hindi kailangan ng reseta ng doktor
Paano Gamitin ang Condom?

1. Alamin ang expiration date.
Makikita ang expiration date sa pakete nito. Kung expired na ang condom, wala na itong bisa.

2. Gumamit lamang ng bagong condom.
Siguraduhin din na hindi pa nabubuksan ang pakete nito.

3. Pisil-pisilin ang saradong pakete.
Dapat may hangin sa loob nito. Dapat ay wala ring tagas ng likidong nagmumula sa loob ng pakete. Huwag na huwag gumamit ng condom na sira na.

4. Pisilin ang pakete at itulak sa isang gilid ang condom na laman nito.

5. Punitin ang pakete gamit ang mga kamay.

6. Pisilin ang dulo ng condom bago isuot.

7. Isuot ang condom hanggang sa puno ng matigas na ari.

8. Maaring gumamit ng water-based na lubricant o pampadulas kasabay ng paggamit ng condom.

9. Tanggalin ang condom.
Pagkatapos labasan, hawakan ang condom sa puno at hugutin ito bago pa lumambot ang ari. Maingat na tanggalin ang condom nang hindi tumatapon ang semilya.

10. Itapon ito nang tama.
Itali nang maayos ang condom at itapon sa basurahan.
Paano Gumagana ang Condom?

Barrier Contraceptive:
Pinipigilan ng condom ang pagsasalin ng mga bodily fluids mula sa isang lalaki papunta sa loob ng katawan ng kanyang katalik

Main Ingredients:
Ang condom ay karaniwang gawa sa latex, isang uri ng goma o rubber. May mga male condoms din na gawa sa ibang materyal tulad ng polyurethane o polyisoprene at ito ay para sa mga taong may allergy sa latex.
Pros and Cons
- Tanging paraan upang maiwasan ang HIV at iba pang STIs.
- Hindi kailangan ng reseta ng doktor
- Dapat itong gamitin sa bawat pakikipagtalik.
Sino ang Pwedeng Gumamit ng Condom?

Pwede sa mga nagpapasusong ina

Pwede sa mga bagong panganak

Pwede sa teenagers na sexually active

Pwede sa wala pang anak
Mga Do’s and Don’ts sa Pag-Gamit ng Condom
DO’S
- Gumamit ng condom sa tuwing makikipagtalik.
- Siguraduhing bago, walang sira ang pakete, at hindi pa expired ang condom na gagamitin.
- Itago ang condom sa isang malamig at tuyong lugar.
- Dapat ay tama at palagian ang paggamit nito.
- Buksan lamang ang pakete ng condom kapag ito ay gagamitin na.
- Ilabas lamang ang condom mula sa pakete nito kapag matigas na ang ari.
- Itapon ang gamit na condom sa basurahan.
DONT'S
- Huwag na huwag gumamit ng condom na nagamit na.
- Huwag linisin, labhan, o hugasan ang condom. Ang condom ay single-use lamang.
- Huwag itatago ang condom sa loob ng wallet, hindi ito lucky charm na naghahatid ng swerte. Ang init at friction sa loob ng wallet ay maaaring maging dahilan ng pagkasira ng condom.
- Huwag buksan ang condom gamit ang ngipin o gunting.
- Huwag gumamit ng mga oil-based na pampadulas kagaya ng baby oil, lotion, butter, petroleum jelly, langis, o hair conditioner. Maaaring rumupok ang condom dahil dito.
- Huwag doblehin ang condom para sabihing ito ay “extra safe.” Sapat nang proteksyon ang isang condom, basta’t ginamit nang tama.
- Huwag itapon ang gamit na condom sa kung saan-saang lugar lamang.
Frequently Asked Questions
Ang condom ay isang uri ng barrier contraceptive. Bilang “barrier”, pinipigilan ng condom ang pagsasalin ng mga bodily fluids (kagaya ng tamod) mula sa isang lalaki papunta sa loob ng katawan ng kanyang katalik.
Maliban dito, pinipigilan din ng condom ang pagsasalin ng mga sexually transmitted infections (o, STIs, mga sakit na nakukuha sa hindi maingat na pakikipagtalik) kagaya ng HIV, gonorrhea o tulo, chlamydia, human papillomavirus (HPV) infection, syphilis, at iba pa.
Ang condom ay karaniwang gawa sa latex, isang uri ng goma o rubber. May mga male condoms din na gawa sa ibang materyal tulad ng polyurethane o polyisoprene at ito ay para sa mga taong may allergy sa latex. Karaniwan itong nabibili sa mga tindahan at botika, at libre naman sa ilang clinics at health centers.
Ang mga condoms ay 85-98% effective. Kadalasang nagkakaproblema lang dahil mali ang ilang tao sa paggamit ng condoms. Gaya ng ibang contraceptives, magiging epektibo lamang ang condom kapag tama ang paggamit nito.
Sa botika, ospital at malls, mayrong condom na mabibili! May mga mura, may mga mahal. Libre rin ito sa ibang health centers at NG
‘Di mo na kailangang pumunta pa sa ospital o klinika para lang makakuha ng condom. ‘Di na rin kailangan ng check-up! Kahit sa pinakamalapit na botika, makakabili ka na ng condom.
Featured Video
Contraceptives

Pills

DMPA

Implant

IUD
Related Articles

