Ang condom ang isa sa mga pinaka epektibong proteksyon laban sa pagbubuntis at posibleng pagkahawa ng STIs kung ito ay gagamitin mo nang consistent at tama.

Ngunit minsan may mga magagawa tayong akala nating okay lang, pero nakakasira na pala ng quality ng condom. Anu-ano nga ba ang mga BIG NO sa paggamit ng condom?

Huwag gumamit ng expired na condom.

Wala nang tanong tanong pa. Kung expired ang isang condom, itapon ito at palitan ng bago. Huwag kang magtipid kasi mas mura pa rin ang condom kesa gamot o pampaanak.

Huwag i-reuse ang condom.

Basta nagamit na, HINDI ito pwedeng i-reuse. Kapag nagamit na, ibalot ito sa tissue o papel o wrapper at itapon sa basurahan.

Huwag itago ang condom sa wallet.

Kung may condom ka sa wallet na pampaswerte, hanggang doon na lang iyon! ‘Wag na ‘wag itong gamitin during sex. Ang matagal na pagkaipit nito sa loob ng wallet ay pwedeng makabutas sa condom nang hindi namamalayan.

Huwag ilagay sa lugar kung saan may direct sunlight o sa lugar na mainit.

Matutusta at matutuyo ang condom na siyang pwedeng ikarupok nito.

Huwag gumamit ng ngipin o matulis na bagay sa pagbukas ng pakete ng condom. 

Kung napanood mo ito sa pelikula, huwag itong gayahin! Pwedeng ma-damage ang condom kapag kinagat ang pakete. Iwasan ring gumamit ng gunting kapag binubuksan ito dahil pwede nitong madaplisan ang condom at mapunit.

Huwag bibili ng masyadong maliit o masyadong malaking condom.

Size matters… sa pagbili ng condom. Pwedeng mapunit ang masikip na condom habang nagsesex, samantalang pwede namang maiwan ang condom sa loob ng katalik kung masyado naman itong maluwag.

Huwag gumamit ng oil-based lubricants.

Huwag gumamit ng baby oil, massage lotion, hand cream, at petroleum jelly bilang lubricant. Gumamit lamang ng water-based lubricants.

#MalayaAkongMaging LIGTAS

Oh, gets niyo na ha? Para sa ligtas na pakikipagtalik sa tamang panahon, tandaan ang mga #ContracepTIPS na ito. Always use condoms wisely!