#CoupleGoals ba ang inyong relasyon?
Walang perpektong relasyon. Sa kabila ng saya at kilig, ‘di pa rin maiiwasan ang pagsubok paminsan-minsan. ‘Wag kang mag-alala. Ganyan lang ‘yan. Ang importante ay maayos ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, klaro at makatwiran ang hangganan o boundaries na naka-set, at syempre, may respeto at sinusuportahan ninyo ang bawat isa. ‘Di lang sa salita, pati rin sa gawa.