#CoupleGoals ba ang inyong relasyon?

Walang perpektong relasyon. Sa kabila ng saya at kilig, ‘di pa rin maiiwasan ang pagsubok paminsan-minsan. ‘Wag kang mag-alala. Ganyan lang ‘yan. Ang importante ay maayos ang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa, klaro at makatwiran ang hangganan o boundaries na naka-set, at syempre, may respeto at sinusuportahan ninyo ang bawat isa. ‘Di lang sa salita, pati rin sa gawa.

1 / 10

Pinakikinggan at nirerespeto ba ng partner mo ang iyong mga ideya?

2 / 10

Sinisikap ba ng partner mo na makasundo ang iyong mga kaibigan at pamilya?

3 / 10

Kumportable ka bang sabihin sa partner mo kapag may nagawa siyang nakasakit sa iyong damdamin?

4 / 10

Sinisisi ka ba ng iyong partner kapag may nagawa siyang mali, imbis na aminin ang kasalanan o mag-sorry?

5 / 10

Malaya ka bang tumanggi kapag hinahawakan ka ng partner mo?

6 / 10

Ipinagmamalaki ba ng iyong partner ang mga achievements mo sa buhay?

7 / 10

Masaya ka ba tuwing kasama ang iyong partner?

8 / 10

Mabilis bang magbago ang mood ng partner mo, tipong galit at naninigaw ngayon pero maya-maya lang ay malambing na ulit?

9 / 10

Kinakailangan ba ng iyong partner na parati niyang alam kung nasaan ka at anong ginagawa mo sa bawat pagkakataon? 

10 / 10

Minamaliit, iniinsulto, o kinukutya ka ba ng partner mo?