
Implant: 3 Minutong Proseso, 3 Taong Proteksyon
- 99.9% na epektibo at tumatagal ng tatlo hanggang limang taon depende sa brand
- Kapag naikabit na, wala nang dapat pang alalahanin
- Hindi nakakahadlang sa pakikipagtalik
- Pwede para sa mga wala pang anak, mga bagong panganak, at mga nagpapasuso
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o sakop ng PhilHealth
Paano Gamitin ang Implant?

Tuturukan ng pampamanhid o anesthesia ang braso para walang maramdamang kirot

Pinapasok ito ng trained na doktor, nars, o midwife sa ilalim ng balat sa tagong bahagi ng braso ng isang babae, gamit ang isang parang stapler na aparato.

Ang paglalagay ng implant ay mabilis na proseso lamang. Sa loob ng 20 to 30 seconds ay tapos na ito; at hindi lalagpas sa 3 minutes ang buong proseso!
Paano Gumagana ang Implant?

Kapag naipasok na ito sa braso ng isang babae, naglalabas ang implant ng hormones na makakapigil sa pagbubuntis nang hanggang tatlong taon.

Pinakakapal nito ang mucus sa kwelyo ng matris (cervix) ng babae para pigilan ang pagpasok ng sperm ng lalaki sa matris.

Pinipigilan din nito ang obulasyon o paglabas ng hinog na itlog mula sa obaryo, kaya kahit may makapasok man na sperm ay wala itong makakatagpo na itlog. Kung walang pagtatagpo ng itlog at sperm, walang fertilization o pagbubuntis na magaganap.
Pros and Cons
- Wala nang aalalahanin dahil mabisa ito hanggang tatlong taon.
- Higit sa 99% itong epektibo bilang proteksyon sa pagbubuntis.
- Hindi ito nakikita dahil nasa ilalim ito ng iyong balat.
- Kumpara sa pills, hindi na kailangang intindihin ang araw-araw na pag-inom.
- Hindi ito nakakahadlang sa pagtatalik.
- Akma sa mga babaeng hindi puwede ang hormone na estrogen.
- Ligtas gamitin ng mga nagpapasusong nanay.
- Pwedeng ipalagay at ipatanggal kahit anong oras.
- Maaari itong magdulot ng iregular na pagdurugo at spotting.
- Pwede nitong palakasin, pahinain, at pahintuin ang regla ng isang babae.
- Walang proteksyon laban sa mga sexually transmitted infections (STI).
- Kailangan mong magpunta pa sa ospital clinic, o health center para ipalagay ito.
- Hindi ito pwede sa mga taong umiinom ng gamot na rifampicin dahil nawawala ang bisa nito. Karaniwang pinagagamit ng karagdagang barrier method katulad ng condom ang mga may IUD na gumagamit ng rifampicin.
Sino ang Pwedeng Gumamit ng Implant?

Pwede sa mga nagpapasusong ina

Pwede sa mga bagong panganak

Pwede sa teenagers na sexually active

Pwede sa wala pang anak
Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Pagkatapos Magpalagay ng Implant
Dapat Gawin
- Panatilihing malinis ang sugat ng pinaglagyan ng implant, at ipahinga ang braso ng tatlong araw
- Uminom ng paracetamol o iba pang over-the-counter pain reliever kung sakaling makaramdam ng pananakit sa braso pagkatapos ng procedure.
- Kung makikipagtalik agad pagkatapos magpalagay ng implant, gumamit muna ng condom sa unang pitong araw.
Hindi Dapat Gawin
- Huwag basain at lagyan ng pressure ang sugat.
- Huwag magbuhat ng mabibigat na bagay sa mga darating na araw.
- Huwag itong galawin o kamutin.
- Huwag itong subukang alisin o ayusin mag-isa. Laging sumangguni sa doktor, nars o midwifekung magka-problema sa implant.
Frequently Asked Questions
Ang implant ay maliit na flexible na plastic na kasing-laki lang ng isang palito ng posporo na inilalagay sa ilalim lang ng balat sa may tagong bahagi ng braso ng isang babae. Naglalabas ito ng hormones sa katawan at pinakakapal din nito ang cervical mucus sa bukana ng matris ng babae, na siyang pumipigil na magtagpo ang semilya at itlog. Pinipigilan din nito ang obulasyon o paglabas ng hinog na itlog mula sa obaryo, kaya kahit may makapasok man na sperm ay wala itong makakatagpo na itlog. Kung walang pagtatagpo ng itlog at sperm, walang fertilization o pagbubuntis na magaganap.
Ito ay 99.9% na epektibo laban sa di planadong pagbubuntis at tumatagal ang bisa nito nang hanggang tatlong taon. Umeepekto ito 7 araw mula sa unang araw ng pagkakalagay.
Ang implant ay maaaring ipalagay nang libre sa ilang mga klinika ,health centers, at government hospitals.
Bukod sa napakadali nitong ilagay, ang birth control implants ang isa sa mga pinaka-epektibong Long-Acting Reversible Contraceptives o LARCs. Sa oras na maipasok ito sa ilalim ng balat, hindi na kailangang mabahala pa sa hindi planadong pagbubuntis, simula 7 days pagkatapos ilagay ito hanggang sa loob ng tatlong taon.
Bukod pa rito, kung sakaling gustuhin nang magbuntis ng isang babaeng may implant, pwede itong ipatanggal sa kahit anong oras. Swak din ito para sa mga babaeng hindi pwedeng gumamit ng mga contraceptives na naglalaman ng estrogen.
Pwedeng-pwede! Ang pagpapalagay ng implant ay safe para sa mga bagong panganak.
Walang kailangang ikabahala dahil tinuturukan naman ng pampamanhid ang braso bago pinapasok ang implant sa ilalim ng balat. Wala pang tatlong minuto ang prosesong ito. Kapag humupa na ang epekto ng anesthesia maaaring makaramdam ng sakit pero ‘wag mabahala dahil pwede kang uminom ng paracetamol o pain reliever para maibsan ang sakit.
May mga taong nakakaranas ng side effects mula sa implant, at may mga tao naman na hindi. Isa sa mga pangkaraniwang side effects ng implant ay ang hindi regular na pagreregla. Pwede rin nitong palakasin, pahinain, o tuluyang pahintuin ang regla ng isang babae. Normal lang ang ito. Kumonsulta sa isang doktor kung sobrang lakas na ng regla, dahil maaaring sintomas ito ng ibang isyu sa matres o obaryo.
May iba ring nakakaranas ng mga sumusunod:
- Pansamantalang sakit sa braso, at pagkakaroon ng pasa kung saan ipinasok ang implant
- Pananakit ng ulo
- Pananakit ng suso
- Pagkahilo
- Pagbabago sa timbang
Pero ang mga side effects na ito ay lilipas din kapag nasanay na ang katawan sa implant.
Dahil reversible ang kontraseptibong implant, pwede mo itong ipatanggal sa oras na gustuhin mo nang mabuntis. At kung walang ibang problema sa kalusugan, babalik ulit ang kapasidad na mabuntis kapag tinanggal na ang implant sa katawan.
Nawawalan ng bisa ang implant pagkalipas ng tatlong taon. Kaya dapat itong tanggalin o palitan. Kung sakaling hindi na magpapalagay ng panibagong implant at gusto pa rin ng proteksyon mula sa hindi planadong pagbubuntis, gumamit lamang ng alternatibong contraceptive gaya ng condom, injectable at IUD. Bukod sa wala na itong proteksyon, wala namang ibang masamang epekto sa katawan kung hindi ito matanggal kaagad makalipas ang tatlong taon.
Hindi. Tanging sa pagbubuntis ka lamang nito kayang protektahan. Kung gusto mong makasiguro na hindi ka mabubuntis at mahahawa ng mga sakit, gumamit rin ng condom
Featured Video
Contraceptives

Condom

DMPA

IUD

Pills
Related Articles
