Bukod sa pinaka-common na contraceptives gaya ng condom, pills, at injectables, alam niyo ba na isa ang implant sa pinaka epektibo na contraceptive para sa mga kababaihan?

Ang implant ay singliit lamang ng palito na inilalagay sa loob ng braso ng isang babae. Ito ay 99% na effective sa pagpigil ng pagbubuntis ng isang babae at tumatagal ang bisa nito ng hanggang tatlong taon. 

Ang pinaka perfect na panahon para magpalagay ng implant ay habang ikaw ay may regla o nasa ika-5 araw ng regla.

Na-curious ka ba kung ano-ano ang mga pwede at di pwedeng gawin pagkatapos magpalagay ng implant? Sasagutin natin yan!

Q: Kailan ko pwedeng alisin ang bandage na nakalagay sa braso ko?

A: Pwede mo itong alisin bago ka matulog o kapag di ka na komportable rito.

Q: Pwede ba akong maligo pagkatapos ilagay ang implant sa braso ko?

A: Pwedeng-pwede! PERO… Kailangang panatilihin mong tuyo ang area ng pinagpasukan ng implant nang hanggang dalawang araw. 

Q: Ang sakit ng sugat ko. Pwede ba akong uminom ng gamot?

A: Maaaring makaramdam ka ng sakit pagkatapos mailagay ang implant kaya pwede kang uminom ng paracetamol o anumang over-the-counter na painkiller para maibsan ang sakit.

Q: Pwede ba akong magbuhat ng mabibigat pagkatapos kong magpa-implant?

A: Iwasan munang magkikilos at magbuhat ng mabibigat ng ilang araw para maghilom muna ang sugat.

Q: Pwede ba akong makipagsex agad nang walang condom o proteksyon pagkatapos na pagkatapos kong magpalagay ng implant?

A: Depende ito sa TIMING ng paglagay ng implant. Nailagay ba ang implant sa loob ng unang araw ng regla? Kung ang sagot mo ay:

  • OO: Ligtas ka na laban sa hindi planadong pagbubuntis. Pero tandaan na walang proteksyon ang implant laban sa HIV at iba pang sakit na naihahawa sa pakikipagtalik.
  • HINDI: Gumamit ng condom sa unang 7 araw para siguradong safe na safe ka sa pagbubuntis!

#MalayaAkongMaging LIGTAS

Kung dumating ang time na handa ka nang makipagtalik, tandaan lamang ang #ContracepTIP na ito: Effective, long-lasting at hassle-free ang contraceptive implant. Hindi ka man nito mapoprotektahan laban sa mga STIs, at least protektado ka laban sa unplanned pregnancy!