
Copper IUD: Pangmatagalan at Epektibong Kontraseptibo
- 99% na epektibo at tumatagal ng mula 10-12 years
- Hindi nakakahadlang sa pakikipagtalik
- Pwede para sa mga wala pang anak at maging sa mga bagong panganak at mga nagpapasuso
- Libre sa mga health center, ospital ng gobyerno at klinika na sakop ng PhilHealth
Paano Nilalagay ang IUD?

Ipinapasok ito sa loob ng matris ng babae sa tulong ng isang doktor, trained nars, o midwife.

Kapag naipasok na ito, maaari itong tumagal sa katawan at manatiling epektibo nang mula 10 hanggang 12 na taon.

Pwede itong ipalagay o ipatanggal kahit anong oras.
Paano Gumagana ang IUD?

Pangmatagalan:
Ang IUD o Intrauterine Device ay isang uri ng LARCs o Long-Acting Reversible Contraceptives na letrang T ang hugis at gawa sa plastic na may nakapalibot na tanso o copper.

Pumipigil:
Binabago nito ang komposisyon ng dingding ng matris ng babae para hindi mabuhay ang sperm ng lalaki at hindi ito makapagsanib sa itlog ng babae. Kapag walang pagsasanib ng itlog at sperm, walang pagbubuntis.
Pros and Cons
- Mahigit 99% na epektibo.
- Pwedeng tumagal at maging epektibo nang mula 10 hanggang 12 na taon.
- Pwedeng ilagay at alisin anumang oras.
- Hindi nakakahadlang sa pagtatalik.
- Pwede kang mabuntis agad kapag pinatanggal mo ito.
- Kailangan mong maghubad ng pang ibabang saplot at salawal para maipalagay ito.
- Makakaramdam ka ng panandaliang sakit o cramping sa puson ilang linggo pagkatapos nito maisa unang lagay.
- Maaaring magkaroon ng bleeding o spotting sa mga unang buwan pero normal ito at lilipas din.
- Maaaring itong magdulot ng paglakas ng regla.
- Wala itong kakayahang protektahan ang babaemula sa mga sexually transmitted infections (STI).
Sino ang Pwedeng Gumamit ng IUD?

Bagay na bagay sa mga hindi pwedeng gumamit ng hormonal methods gaya ng pills, injectables, at implant.

Pwede sa mga nagpapasusong ina

Pwede sa mga bagong panganak

Pwede sa teenagers na sexually active
Mga Dapat at Hindi Dapat Gawin Pagkatapos Magpalagay ng IUD
Dapat Gawin
- Kung makaramdam ng pananakit pagkatapos magpalagay ng IUD, uminom ng paracetamol, ibuprofen o anumang over-the-counter na painkiller para maibsan ang sakit.
- Bumalik sa doktor, trained nars o midwife 3 linggo pagkatapos magpalagay ng IUD para masuri at maputol ang IUD string kung ito ay masyadong mahaba. Muling magpa-check up 6 na linggo pagkatapos mailagay at isang beses kada taon pagkatapos nito.
Hindi Dapat Gawin
- Huwag munang makipagtalik sa loob ng 24 oras matapos mailagay ang IUD.
- Huwag ito subukang ayusin o galawin mag-isa at sumangguni sa iyong doktor, trained nars o midwife kung mayroon kang hindi magandang mararamdaman.
Frequently Asked Questions
Ang copper IUD o intrauterine device ay isang uri ng contraceptive na hugis letrang “T” na gawa sa plastic na pinalilibutan ng copper. Ito ay ipinapasok sa loob ng matris ng isang babae. Ang copper IUD ay walang tagay na hormones; ang copper metal mismo rito ang nagsisilbing spermicide na nagbabago sa komposisyon ng matris para hindi mabuhay ang semilya sa loob ng matris. May mga IUD din naman na may taglay na hormones na siyang pumipigil sa pagbubuntis, ngunit ang copper IUD ang pinaka-available na klase ng IUD sa Pilipinas.
Tanging doktor, trained nars o midwife lamang ang maaaring maglagay nito sa loob ng matris.
Ang IUD ay 99% na epektibo at tumatagal ang bisa nito mula 10 hanggang 12 na taon.
Pwede itong ipalagay sa mga health centers, health clinics, at government hospitals nang libre. Maari rin itong ipalagay sa ilang pribadong klinika at hospital na may bayad.
Ang mga Long-Acting Reversible Contraceptives (LARCs) na gaya ng IUD ay:
- Long-Acting. Pangmatagalang uri ng contraceptive na pag naipasok na sa loob ng matris, wala nang iintindihin pa.
- Effective. Epektibong paraang para pigilan ang pagbubuntis.
- Reversible. Pwedeng ipalagay at alisin kahit kailan mo gusto.
Oo naman! Maaring ilagay ang IUD pagkalabas ng inunan o placenta ng bata hanggang 48 hours matapos manganak. Pwede ring maghintay muna ng anim na buwan pagkatapos manganak para ito ay mailagay sa loob ng matris.
Kung ikaw ay komportable, pwedeng-pwede itong ipalagay kahit pa nireregla.
Makakaramdam lang ng panandaliang kirot habang ito ay inilalagay. Pero mabilis lang namang ilagay ang IUD—mga 15 minuto lang ay tapos na!
Ang karaniwang mga side effects ng pagpapalagay ng IUD ay ang abdominal cramping o pananakit ng puson sa simula. Pwede kang uminom ng paracetamol, ibuprofen, at iba pang over-the-counter na pain reliever para maibsan ang sakit.
Maaari ring makaranas ng spotting o pagdurugo sa pagitan ng regla. Mawawala rin naman ang mga side effects nito sa katagalan kapag nakapag-adjust o nasanay na ang katawan mo sa IUD.
Pwedeng-pwede! Ang IUD ay reversible na uri ng kontraseptibo. Kapag pinatanggal ito, maaari kang mabuntis kaagad kapag nakipagtalik nang walang proteksyon. Tandaan lamang na huwag itong subukang alisin mag-isa. Sumangguni sa doktor, trained nars o midwifesa oras na maisipan mong ipatanggal ito. Madali lang ang procedure – hindi hihigit sa isang minuto ay tanggal na ito agad.
Bihira itong mangyari. Kung sakaling may maramdaman ang iyong partner at hindi ka komportable, ilapit ito sa iyong doktor, trained nars o midwife para paiklian ang string ng IUD.
Hindi. Tanging sa pagbubuntis ka lamang nito kayang protektahan. Gumamit ng condom para makasiguro na hindi ka mabubuntis at mahahawa ng mga sakit.
Featured Video
Contraceptives

Condom

DMPA

Implant

Pills
Related Articles
