Karaniwang nagkakaroon ng expectations ang lipunan sa kung paano dapat kumilos at ano ang dapat nating ginagawa base sa kanya-kanyang kasarian. Kasama rin sa gender roles at stereotypes ang mga ‘di makatuwirang expectations sa pisikal na itsura ng lalaki at babae. Ngunit lahat tayo ay dapat may layang kumilos batay sa sarili nating hangad sa buhay, kahit taliwas sa inaasahan ng lipunan.

Narito ang hinanda naming video tungkol dito. Tara’t panoorin!