Mahirap talagang makipag-usap sa partner–o sa totoo lang kahit kanino–tungkol sa sex, Pero tandaan: Susi sa mabuting relasyon ang pagsasabi ng totoo mong nararamdaman, lalo na kung gagawin ito nang maayos at may pagmamahal. Mahalagang buuin muna ang tiwala sa isa’t isa. Iparamdam kay jowa na bukas ka sa kung anumang sasabihin niya—na pakikinggan, iintindihin, at rerespetuhin mo ito. At dapat, gano’n din siya sa’yo.
Heto ang ilang tips para mas maging epektibo ang inyong pag-uusap:
1) Maging mapagpasensya – hindi lahat ay kumportable agad pag-usapan ang sex
2) Maging honest – mahalaga ito para sa tunay kayong magkaunawaan
3) Be positive – mag-suggest kesa manisi
4) Maging bukas sa kompromiso – matutong mag-adjust, ngunit
5) Pangalagaan ang boundaries – huwag matakot tumanggi sa mga bagay na hindi mo talaga gusto.
Tandaan na ang kakayahan niyong mag-partner na pag-usapan ang sex ay tanda ng isang malusog na relasyon.