Ang sex ay tumutukoy sa biological na aspeto ng isang babae at lalaki pagkapanganak, tulad ng chromosomes, gonads, sex hormones, genitals o ari, at iba pang katangian na lumilitaw mula sa puberty. Samantalang ang gender naman ay ang tawag sa malalim na pagkakakilanlan at karanasan ng isang indibidwal sa kanilang kasarian na maaaring tugma o ’di tugma sa kanyang sex assigned at birth o sex characteristics.