Malalaman mo kung handa ka nang makipag-sex kung hindi ka pressured o pinilit, may sapat na kaalaman tungkol sa sex at kaya mong protektahan ang sarilii mo mula sa mga risks nito tulad ng posibleng pagbubuntis at pagkahawa ng sexually transmitted infections, at higit sa lahat ay may respeto at tiwala kayo ng partner mo sa isa’t-isa at sa inyong relasyon. Tandaan na dapat hindi lang ikaw ang handa bago makipag-sex. Kailangan pareho kayo ng partner mo na may consent o yung lubos na pagsang-ayon sa kahit na anong gawaing sexual.