
Pills: Pang-Araw-Araw na Pag-Iwas sa Pagbubuntis
- 93% epektibo sa tamang paggamit
- Makakaiwas sa 'di planadong pagbubuntis
- Araw-araw iniinom sa takdang oras
- Hindi nakahahadlang sa pakikipagtalik
- Libre sa mga klinika ng gobyerno o pwedeng bilhin sa botika
Paano Gamitin ang Pills?

1. Para sa first-time users.
Simulang inumin ang unang pill sa unang araw ng regla. Hanapin sa likod ng banig ng pills and may numerong “1” sundan ang numero o direksyon ng arrow para sa mga sumusunod na araw. Gumamit muna ng backup method gaya ng condom sa unang pitong araw ng pag-inom nito.

2. Uminom ng isang pill
Isang beses araw-araw sa parehong oras sa loob ng 21 days para sa Progestin-only Pill (POP) at 28 days para sa Combined Oral Contraceptives (COC)

3. 21 Pills
Para sa POP na may 21 pills ang laman ng pakete: Maaaring magpahinga muna ng isang linggo bago magsimula ng panibagong pakete, o kaya ay Ituloy ang pag inom ng panibagong pakete. Kung pipiliin ang option na ito, normal lang na maaaring hindi ka reglahin.

4. 28 Pills
Kung COC ang iniinom na may 28 pills sa pakete, uminom ng isang active pill sa parehong oras sa bawat araw. Active pills ay yung mga pills na may lamang hormones; 21 na piraso sila sa pack. Inactive o placebo naman ang mga pills na walang lamang hormones, at iniinom sila para hindi mawala sa schedule ng pag-inom ng susunod na pakete. Karaniwang magkaiba ang kulay ng active at inactive pills.
Para sa mga nagnanais gumamit ng pills, kumonsulta sa pinakamalapit na health center o klinika na may nurse o midwife na trained sa family planning.
Paano Gumagana ang Pills?

Barrier Contraceptive:
Kapag ininom ang pills, maglalabas ito ng estrogen at progestin hormones sa katawan ng babae na siyang pipigil sa paglabas ng itlog mula sa obaryo.

Main Ingredients:
Pinakakapal o pinapalapot nito ang mucus sa may bukana ng matris (cervix) para hindi makapasok ang sperm.
Kapag walang itlog at semilya na magtatagpo sa oras ng pagtatalik, walang magaganap na pagbubuntis.
Pros and Cons
- 93% na epektibo para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis.
- Madali itong itigil kung sakaling gustuhin mo nang mabuntis.
- Hindi nakakahadlang sa pakikipagtalik.
- Pinapababa nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng ilang uri ng cancer.
- Maaaring gawing mas regular ang regla at ibsan ang sakit ng puson sa tuwing nireregla.
- Pwedeng bilhin over-the-counter pero mas mainam na magpakonsulta muna sa doktor, trained nurse o midwife.
- Dapat sa parehong oras araw-araw ang pag-inom para mapanatiling epektibo.
- Ang COC ay hindi pwede para sa lahat, gaya ng mga babaeng: May altapresyon, May history ng pamumuo ng dugo o blood clots, May history ng migraine na may kasamang paglabo ng paningin, 35 taong gulang pataas, Naninigarilyo Nagpapasuso
- Wala itong kakayahang protektahan ang babae mula sa mga sexually transmitted infections (STI).
- Pwede itong magdulot ng paghina at pagbigat ng daloy ng regla. Pwede rin nitong pahabain ang araw ng pagreregla.
Sino ang Pwedeng Gumamit ng Pills?

Ang POP ay pwede sa mga nanay na bagong panganak at nagpapasuso.

Ang COC ay para sa mga nanay na bagong panganak na hindi nagpapasuso o lampas na ng 6 na buwan ang anak.

Pwede sa teenagers na sexually active

Pwede sa wala pang anak
Dapat at Hindi Dapat Gawin sa Pag-Inom ng Pills
Dapat Gawin
- Inumin ito nang walang mintis at sa parehong oras araw-araw. Mag-set ng alarm sa cell phone kung kinakailangan.
- Kumonsulta sa doktor kung may gamot kang iniinom na maaaring makasabay ng iyong pills.
- Lagi itong ilagay sa iyong bag para hindi mo malimutang uminom kahit wala sa bahay.
- Para sa mga nagpapasuso, siguraduhing progestin-only pills (POP) ang iinumin.
Hindi Dapat Gawin
- Huwag kaligtaang inumin sa tamang oras.
- Huwag patagalin bago inumin ang na-miss na pill. (Nasa FAQs sa ilalim ang gagaawin kapag nakaligtaan uminom).
Frequently Asked Questions
Ito ay isang uri ng hormonal contraceptive na iniinom ng babae para mapigilan ang pagbubuntis, isang beses kada araw. Pinipigilan nito ang ovulation o paglalabas ng itlog ng isang babae. Kapag walang itlog ng babae at semilya ng lalaki na magtatagpo sa oras ng pagtatalik, walang pagbubuntis na magaganap.
Ang birth control pills ay 93% na epektibo. Kadalasan, ang maling pag-inom ng pills ang nagiging sanhi ng biglaang pagbubuntis kaya kailangan itong inumin nang parehong oras araw-araw. Umeepekto ito matapos ang 7 araw mula sa unang pag-inom kaya importante na gumamit ng back-up method katulad ng condom.
Mabibili ito sa mga botika, clinic, at ospital. Pero pwede mo rin itong makuha nang libre sa mga health centers, government hospitals at ibang clinics at non-government organizations (NGOs).
Bukod sa pwede nitong mapigilan ang pagbubuntis, pwede rin nitong gawing regular ang cycle ng regla mo. At dahil sa hormones na inilalabas nito sa katawan, maaari rin nitong mapakinis ang kutis at matanggal ang tigyawat.
Dagdag pa rito, napapababa nito ang tsansang magkaroon ka ng ilang uri ng cancer.
Safe na safe rin ito sa mga wala pang anak at mga kabataang nagsisimulang maging sexually active dahil madali itong inumin at walang ibang medikal na proseso ang kailangan para simulan ito.
Mabilis din itong ihinto kung sakaling gusto mo nang magbuntis.
Maaari itong mabili over-the-counter, pero mas mabuting kumonsulta muna sa isang doctor, trained nurse o midwife bago simulan ang pag-inom nito.
Maaaring uminom ng progestin-only pills (POP) pagkatapos manganak at kung magpapasuso.
Kung combined oral contraceptive (COC) ang gustong inumin, mas mainam na maghintay ka muna ng mga 6 na linggo mula nang ikaw ay manganak kung hindi magpapasuso. Maghintay naman ng 6 na buwan kung ikaw ay magpapasuso ng anak. Maganda ring kumonsulta sa doktor, nars o midwife tungkol dito.
Ang karaniwang mga side effects ng pag-inom ng pills ay ang irregular na regla o spotting, pagsusuka, masakit na suso, at pananakit ng ulo. Bagman hindi lahat ay nakakaranas nito, ito ay kadalasan namang nawawala rin kapag nasanay na ang katawan.
Hindi. Tanging sa pagbubuntis ka lamang nito kayang protektahan. Para makasiguro na hindi ka mabubuntis at mahahawa ng mga sakit, gumamit din ng condom.
- Inumin mo lang agad ang na-miss mong pill sa oras na maalala.
- Inumin mo agad ang pinakahuling nakaligtaan mong inumin na pill sa oras na maalala, at itapon na ang isa pang hindi nainom na pill
- Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills sa parehong oras araw araw hanggang maubos ang isang pakete ng pills.
- Gumamit muna ng condom kung makikipagsex sa loob ng pitong araw.
- Kung ang pakete na iniinom ay may 7 inactive pills, huwag nang inumin ito at ituloy na agad ang paggamit ng bagong pakete ng pills.
Kung ang na-miss na 3 pills ay nasa una o pangalawang linggo ng pag-inom:
- Inumin agad ang pinakahuling na-miss na pill sa oras na naalala ito, at ipagpatuloy ang pag-inom sa parehong oras araw araw.
- Gumamit ng condom kung makikipagsex sa loob ng pitong araw.
- Itapon ang dalawang na-miss na pill
Kung ang na-miss na pills ay nasa pangatlong linggo ng pag-inom:
- Inumin agad ang pinakahuling na-miss na pill sa oras na naalala ito, at itapon ang natitirang pills sa pakete.
- Magsimula ng panibagong pakete sa susunod na araw.
- Gumamit ng condom kung makikipagsex sa loob ng pitong araw.
Featured Video
Contraceptives

Condom

DMPA

Implant

IUD
Related Articles

