Ang masturbation ay ang pagbibigay ng sexual pleasure sa sarili sa pamamagitan ng paghawak sa sariling ari. Ang masturbation ay nakakapawi ng stress at sexual tension lalo na sa panahon ng puberty kung saan nagsisimulang lumikha ang katawan ng mas maraming sex hormones. Ito ay isang safe at healthy na paraan ng pagtuklas sa sekswalidad at dapat itong gawin nang pribado. May mga taong nagma-masturbate at may mga tao ring hindi, pareho itong ok lang.