Bawat babaeng nagdadalaga ay makakaranas ng pagreregla o menstruation. Ang pituitary gland ang may pakana ng lahat, makikita ito malapit sa’yong utak. Ang gland na ito ang nagbibigay ng signal sa iyong obaryo na maglabas ng hinog na itlog Nagsisimula ang lahat sa pag-uutos ng iyong pituitary gland na makikita malapit sa’yong utak na gumawa ng itlog ang iyong mga obaryo. Ang prosesong ito ay tinatawag na ovulation. Isang itlog ang kumpletong mabubuo at maglalakbay sa’yong fallopian tube hanggang sa marating nito ang iyong matres. Kakapal din ang dingding ng iyong matres bilang paghahanda sa paglalagyan ng pertilisadong itlog. Kung ang itlog naman ay ‘di napertilisa ng sperm e ito’y lalabas mula sa’yong katawan, kasama na rin ang uhog na nagpakapal sa dingding ng iyong matres. ‘Yan ang regla!