Ang mga pisikal na manipestasyon ng anxiety ay ang mga sumusunod:

  • Kakaibang pakiramdam sa tiyan dulot ng sobrang kaba
  • Matinding tensyon
  • Panginginig
  • Pagkahilo 
  • Pamamawis

Normal lang para sa isang teenager ang makaramdam ng iba’t-ibang uri ng anxiety dahil sa mga pagbabagong kinakaharap nila gaya ng emosyonal, pisikal, at pati na rin sa panlipunang aspeto. Pero ‘di ito dapat ipagsawalang bahala lalo na kung nakaaapekto na ito nang lubos sa pang-araw-araw na pamumuhay.