Ang wet dreams ay isang klase ng panaginip na nagdudulot ng paglabas ng likido mula sa ari ng lalaki o babae habang natutulog. Maraming nakararanas ng wet dreams, pero ok lang din kung hindi ito nangyayari sa’yo. Ang pagkakaroon nito ay karaniwang bahagi ng pagbibinata o pagdadalaga kaya hindi dapat ikahiya!