May dalawang pangunahing kategorya ang contraceptives sa Pilipinas: ang hormonal, na nakakaimpluwensya sa level ng hormones ng mga kababaihan tulad ng pills, implant, at DMPA o injectable, at ang physical barrier na pisikal na hinaharangan ang sperm cell na umabot sa egg cell tulad ng intrauterine device o IUD at condom. Tanging condom lang ang nakatutulong sa pag-iwas ng sexually transmitted infection (STI), kaya’t mainam na gumamit nito kasabay ng ibang uri ng contraceptive.