Sa puberty stage kadalasang nangyayari ang mga physical changes na tulad ng pagtangkad, pagbigat ng timbang, paglaki o paglalim ng boses, paglaki ng dibdib, pagtubo ng buhok sa iba’t ibang parte ng katawan, at pagkakaroon ng taghiyawat at body odor. Normal lamang ito! Lahat ng pagbabagong ito ay parte ng puberty dahil sa nagbabagong hormones sa katawan.