Ang pagtubo ng pimples ay dahil sa pagbabago ng hormones at pagbugso ng pawis, at bacteria kapag nasa puberty stage na! Pansin mo rin bang parang mas malangis kaysa dati ang iyong mukha? Ito ay dahil sa mas aktibo na rin ang iyong mga oil glands. ‘Wag kang mag-alala! Kayang-kayang kontrolin ang taghiyawat, basta panatilihin mo lang na malinis ang iyong mukha. Sa kalaunan ay maaari mong ma-outgrow ang iyong pagkakaroon ng taghiyawat. Ngayon, proper hygiene muna.