Normal lang ang mag-alala tungkol sa itsura o imahe ng katawan, pero ang labis na pag-aalala tungkol dito ay maaaring makapigil sa kaligayahan ng isang tao. Narito ang mga dahilan kung bakit importanteng magkaroon ng positive body image:

  • Para mas maging madali ang pagmamahal at pag-aalaga sa sarili.

Kapag mahal mo ang iyong sarili, mas madali mo itong maaalagaan. 

  • Para mas maging open sa mga opportunities at experiences.

Kapag confident ka at positibo ang tingin mo sa iyong sarili, mas magiging madali ang sumubok ng mga bagong karanasan at opportunities lalo na sa relationships sa ibang tao. 

  • Para magkaroon ng malusog na mental health at wellbeing.

Kapag may positive body image, maiiwasan ang pagkakaroon ng labis na anxiety, eating disorders at iba pang kondisyon na pwedeng makaapekto sa timbang at pisikal na kalusugan.