Ang pag-iiba ng amoy ng katawan o pagkakaroon ng body odor ay dahil sa mas maraming hormones na ginagawa ng iyong katawan para tulungan kang lumaki. Dalawa sa mga hormones na ‘yan ay ang estrogen at progesterone. Ang putok ay kadalasan ding dulot l ng pawis at bacteria kaya importanteng panatilihing malinis ang katawan sa pamamagitan ng palagiang pagligo at pag maintain ng proper hygiene.