Hindi mabisang paraan ang hugot o withdrawal method sa pag-iwas sa pagbubuntis. Ito ay dahil sa pre-cum o pre-ejaculatory fluid na pwedeng maglaman ng sperm na maaaring pumuslit bago pa man tuluyang labasan ang isang lalaki. Hindi ito kontrolado ng lalaki at karaniwang hindi niya nararamdaman, kaya kahit hindi tuluyang labasan, o kahit hindi niya ipasok nang buo ang ari, may posibilidad pa rin na mabuntis ang partner na babae.