‘Huwag muna tayong magpa-schedule kasi ganitong brand pa ang itinuturok, malakas ‘yan at matagal tayong lalagnatin dyan.’ 

‘Malabnaw ‘yan kaya walang side effects, kasi nga mahinang klase ‘yan! Wag tayo riyan.’ 

Ganyan din ba mag-advice ang mga magulang o mga tito at tita ninyo kapag usaping vaccination na? 

Marami sa atin may mas bet na brand ng vaccine. Ang iba mas gusto ang brand na galing sa partikular na bansa, may iba naman ay mas gusto ‘yung wala masyadong side effects.

Kahit anong brand pa ‘yan, ang importante ay makapagpa-vaccine ka, besh! Ang lahat ng brand na available at iniaalok sa atin ng gobyerno ay dumaan sa masusing pag-aaral at nakasisiguro tayo sa bisa nito laban sa COVID-19. ‘Di kailangang matakot kasi kasama rin sa pag-aaral nila ang bisa at dami ng dosage na puwede sa mga kabataang gaya mo. 

Paano nagwo-work ang vaccine?

Ang katawan natin ay may likas na kakayanang labanan ang mga virus sa tulong ng immune system. Pero bakit nga ba kailangan ng COVID-19 vaccine kung kaya naman pala ng katawan natin na lumaban sa mga sakit?

May natural na proteksyon ang ating katawan sa mga sakit, pero dahil pwedeng maging matindi ang dulot na pinsala ng COVID-19 virus, mainam na masanay ang ating katawan para rumesponde dito. Training ba! 

Dahil sa teknolohiya at pananaliksik, nakagawa agad ang mga eksperto ng COVID-19 vaccine na naglalaman ng gene na nakagagawa ng klase ng protein na meron sa COVID-19. Kailangan itong i-introduce sa katawan sa pamamagitan ng bakuna para makilala na ito ng ating katawan, maka-adjust ito, at makakagawa na ito ng antibodies panlaban sa COVID-19 virus sakaling madapuan tayo. 

Parang sa boxing o sa kahit na anong combat sports, kung kilala mo na ang iyong kalaban, mas madali mo na itong matalo. Gano’n din ang ating katawan! Kung sakaling dapuan tayo ng COVID-19 pagkatapos magpabakuna, hindi na gaanong mase-stress ang ating katawan dahil alam na niya kung paano agad masugpo ang virus – ibig sabihin nito, hindi na gaanong malala ang mararanasan nating mga sintomas, at mas mababa na rin ang chance na tayo ay maospital o mamatay. Amazing,  ‘di ba?!  

Vaxx is vaxx, anuman ang uri nito 

Maraming klase ang vaccine. Bawat isa ay ginawa para turuan ang ating immune system na labanan ang iba’t ibang uri ng virus. 

Narito ang iba’t-ibang klase ng COVID-19 vaccine na aprubado sa ating bansa para sa mga kabataang tulad mo: 

FYI lang ha, and CoronaVac (Sinovac) ay para lamang sa mga batang edad 6-17. Itinuturok lang ito kung hindi available ang Spikevax at Pfizer sa vaccination site at kung may contradictions at severe allergic reaction ang isang bata sa unang dose nila ng mga nabanggit na brand ng bakuna.

Epektibo ang mga vaccines na ito pero take note lang na ang Vaccine Efficacy ay ang percentage kung gaano napababa ng vaccine ang risk ng pagkakasakit base sa isinagawang controlled clinical trial sa iilang grupo ng taong bakunado. Ibig sabihin, kung mataas ang vaccine efficacy rate, mas konti ang taong magkakaroon ng sakit kapag naging in contact sila sa virus. 

Tandaan: Iba’t-iba nga ang uri ng vaccine, at iba’t-iba din ang idineklarang efficacy rate nila, pero ang the best vaccine ay kung ano ang available sa iyo sa lalong madaling panahon. Bawat araw na protektado ka ay mas mahalaga kaysa sa klase ng vaccine na pipiliin. 

Normal ba ang side effects pagkatapos mabakunahan?

Katulad ng kahit na anong gamot o bakuna, ang mga COVID-19 vaccines ay meron ding dulot na side-effects. Ay besh, normal lang lahat ‘yan, dahil ang ibig sabihin lang niyan ay nagsisimula na ang proseso ng pagbuo ng immunity sa iyong katawan. Eh paano kung walang side effects ang bakuna? Don’t fret kasi oks pa rin ‘yon! Bumubuo pa rin ng immunity ang iyong katawan. Hindi lang talaga pare-pareho ang epekto ng vaccine sa katawan ng bawat tao. 

Ang mga karaniwang side effects ng COVID-19 vaccine ay lagnat, chills o panginginig, ubo, sipon, pananakit ng ulo, pananakit o pamimigat ng braso kung saan tinurukan, kulani sa kili-kili o leeg, at muscle pain. 

Huwag kabahan. Kadalasan namang hindi lalampas ng isa o dalawang araw ang side effects ng COVID-19 vaccines. Lagi lang obserbahan ang nararamdamang side effects. Kung feeling mo ay lumalala ito, ipaalam agad sa mga magulang o guardian para makapagpakonsulta kayo sa doktor.

Paano i-manage ang side effects na dala ng bakuna?

Kadalasang lumalabas ang side effects ng COVID-19 vaccine ilang oras o araw matapos ito iturok. Ang mga payo ng doktor para maibsan ang side effects ng vaccine ay dumaan din sa masusing pag-aaral. Madali lang gawin ang mga ito at ang good news d’yan ay nasa bahay lang halos lahat ng mga kailangang gamit! 

1. Mag-cold compress.

Para iwas pamamaga ng braso, maglagay ng malamig na ice pack o bimpo na may yelo sa pinagturukan ng vaccine. Pwede ring maligo ng malamig na tubig para maagapan ang pamamaga ng braso at syempre para na rin tanggal germs since galing ka sa lugar na matao.

2. Mag-hydrate at uminom ng gamot kung kailangan.

Para gumaan ang pakiramdam, drink your water, bhie! Pwede ring uminom ng paracetamol kada apat na oras kung makakaramdam ng flu-like symptoms gaya ng pananakit ng ulo, lagnat, at sipon. 

3. Magpahinga nang sapat.

Magpahinga nang maigi. ‘Wag din munang magbuhat ng mabibigat na bagay. Request mo na lang kay mama na pass ka muna sa gawaing-bahay nang ilang araw! 

Pero reminder lang, ha. May side effects man o wala, obserbahan pa rin ang sarili pagkatapos ng vaccination. Kung may nararamdaman kang kakaiba o mga side effects na hindi kabilang sa mga nabanggit na, tulad ng paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga, at palpitations, magpunta agad sa pinakamalapit na ospital para magpatingin sa doktor. 

#MalayaAkongMaging LIGTAS

O, ngayong alam mo na na vaccines really work, pumunta ka na sa pinakamalapit na vaccination site o magpa-schedule online kasi finally available na ito para sa edad 5 years old pataas.

Hassle man ang maaaring ma-experience na side effects ng COVID-19 vaccine, mas hassle pag nadapuan ka ng COVID-19 virus! Tandaan din na kapag ikaw ay bakunado na, mas makatutulong ka sa pagsugpo ng virus kasi mas mababa ang posibilidad na mahawa ka at makahawa ka ng maraming tao. Overall, win-win ang magpa-vaxx. Kaya magpaturok na, champ!