Ang depresyon ay sanhi nang labis na kalungkutan at kawalan ng motivation at ng interes sa mga bagay na dating nakapagpapasaya sa’yo. Ang mga sintomas nito ay karaniwang tumatagal nang hindi bababa sa dalawang linggo at lubhang nakaaapekto sa araw-araw na pamumuhay ng isang tao. Narito ang ilang sintomas ng depression:
- Matinding kalungkutan o depressed mood
- Kawalan ng interes o gana sa mga bagay na dating nagpapasaya at gusto mong ginagawa
- Pagbabago ng gana sa pagkain
- Ang pagbaba o pagtaas ng timbang kahit hindi nagda-diet
- Hindi makatulog o labis na pagtulog
- Pagiging matamlay o lubhang pagkapagod o fatigue
- Hindi mapakali o mapirmi—hindi makaupo nang matagal, palakad-lakad, at/o o pagpisil ng kamay
- Kapansin-pansing pagbagal sa pagkilos o pananalita
- Kawalan ng kumpyansa sa sarili at pagkamuhi sa sarili
- Kawalan ng pagpapahalaga sa sarili at nakakaramdam ng guilt o pagsisisi sa sarili
- Hirap sa pag-iisip, pag-focus, at pagdedesisyon
- Pagbabago ng hygiene o paglinis sa sarili katulad ng hindi pagligo
- Madalas na pag-iisip tungkol sa pagpapatiwakal o suicide at kamatayan