Maraming fake news tungkol sa regla! Ang regla ay hindi madumi na parang lason na kailangang ilabas ng iyong katawan. Sa katunayan ay mayaman pa nga ito sa iron. Ang regla ay nagiging madumi lang ‘pag nasa labas na ito ng iyong katawan dahil dadami na ang bacteria na mamumuo dito.