Normal lang na maging iba-iba ang dating ng regla sa bawat babae lalo na sa unang dalawang taon mula nang unang reglahin ang isang babae, kaya ‘wag mag-panic! Pagtanda mo e posibleng mas magiging regular na ang pagdating ng iyong regla. Normal din na iba-iba ang tagal ng pagreregla ng isang babae. Merong nireregla ng dalawang araw lang, at yung iba naman ay inaabot ng isang linggo! Kung talagang ‘di mawala-wala sa isip mo ang pagiging irregular ng iyong regla e pwede ka namang kumonsulta sa isang doktor.