Oo naman! Kaya ugaliing i-check ang expiration date ng condom na kadalasang nakikitang naka-print sa gilid ng box at sa foil pack nito.  Dapat din na i-check kung may butas ang wrapper ng condom. Dahil kung meron, posibleng natuyo na ang condom kaya hindi na ito pwedeng gamitin. Mas marupok kasi ang condom ‘pag tuyo na ito, at mataas ang chance na mabutas o mapunit habang gamit sa pakikipag-sex, kaya hindi na ito magiging effective sa pagpigil ng pagbubuntis at mga sexually transmitted infections (STI).