Hindi naiipon sa obaryo ang pills! Ang pills, tulad ng ibang uri ng gamot na iniinom, ay natutunaw sa tiyan. Pagkatapos ay naglalakbay sa daluyan ng dugo (bloodstream) ang hormones na laman nito para magamit ng katawan sa pagpigil ng pagbubuntis.