Kung ang iyong mga nararamdaman at naiisip ay nakaaapekto na hindi lang sa mood at pakikitungo mo sa iba, kundi pati na rin sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay, mabuting masabi ito sa iyong mga magulang, kaibigan, o sa isang pinagkakatiwalaang nakatatanda para makahingi ka ng tulong. Tandaan, hindi masama ang paghingi ng tulong sa kanila at narito ang ilang tips para magawa mo ‘yon. Narito naman ang listahan ng mga mental health services kung saan ka makakakuha ng tulong propesyonal. Marami riyan ang nagbibigay nito nang libre!