Nangyayari ang pagbubuntis kapag nagtagpo ang semilya na nabubuo sa testicles ng lalaki at ang itlog na nagmumula naman sa obaryo ng babae sa pamamagitan ng sex o pakikipagtalik. Oras na magsanib ang itlog at semilya sa fallopian tube ng babae, maglalakbay ito patungo sa matris at kakapit sa uterine wall o bahay bata; dito na mag-uumpisa ang proseso ng pagbubuntis.