Ang pagsakit ng puson ay tinatawag na dysmenorrhea o menstrual cramps, at parte ito ng PMS o premenstrual syndrome na nangyayari bago reglahin. Dahil sa sobrang paggawa ng katawan ng mga hormones, hindi napipigilan ng mga muscles ng bahay-bata o uterus na mag-contract o makaranas ng tensyon. Pwede ring makaramdam ang isang babaeng nireregla ng pananakit ng likod, bloatedness, pagkahilo, pagtatae, at pagkapagod na pwede namang matugunan ng over-the-counter painkillers. Kung sobra-sobra na ang pananakit, kumunsulta na sa isang health professional.