Oo naman! Ang iyong sexual orientation ay valid, kahit ano pa ma ang pagtingin ng ibang tao rito. Malawak ang spectrum ng sexual orientation – maaari kang kiligin at magkagusto sa kapareho mo ng kasarian, sa ibang kasarian, at sa lahat ng kasarian. Puwede ring hindi ka talaga nakararanas ng attraction o wala sa iyo ang kagustuhan na makipag-relasyon sa iba. Eto pa, Pwedeng maging fluid o magbago ang iyong sexual orientation sa paglipas ng panahon.