Lumalaki ang mga suso dahil sa mga hormone na estrogen at progesterone na tumataas habang papasok ng puberty stage o pagdadalaga. Hindi ito sabay-sabay nararanasan ng bawat babae at hindi rin pare-pareho ang resulta nito kaya wala talagang one-size-fits-all.

Remember: Ang dibdib ay para lang ding ibang bahagi ng katawan. Parang mata lang – may malaki, may maliit, may bilugan, may singkit!