Question:
Ano ang pinaka mapagbigay na ginawa ng ibang tao para sa'yo?

1st Place: Dave B. Salenga

#MalayaAkongLumikhaWeek2 Winner 1st

CONGRATULATIONS Dave sa pagkamit ng 1st Place sa #MalayaAkongLumikhaWeek2 at sa nakaka-touch na comics strip mo!🥹

Naranasan mo na rin bang magkulang ang dala mong baryang pamasahe? Nakaka-panic for real! 😰 Ganon ang naranasan ni Dave nang minsang sumakay siya ng jeep na makikita sa kanyang entry. Kulang ang baryang dala niya pero pinagbigyan siya ng mabait na manong tsuper with matching sukli pang payo na mag-aral siyang mabuti.

There’s no such thing as small act of kindness dahil lahat ng ito ay may malaking effect sa iba. Kaya kung nakatanggap ka ng kind act today, pass it on! 🥰

2nd Place: Dizan O. Agudo

MalayaAkongLumikhaWeek2 Winner 2nd

Minsan yung maliit na act of kindness mula sa taong hindi natin kilala, yun yung may pinaka malaking impact. 🥹 Ganito ang naranasan ng 2nd Placer ng #MalayaAkongLumikhaWeek2 na si Dizan. Basahin ang kanyang kwento.👇🏽

Gaya ng ibang etudyante isa rin ako sa napapagod sa paulit-ulit na oral recitations, quizzes, exams, at activities sa school. Isa rin ako sa mga estudyanteng nag-aantay ng uwian, at atat na atat kung lumabas ng eskwelahan para makauwi agad.

Heto nga’t isang araw nakasakay na ako ng jeep kaso kay bagal namang umandar!

“Gutom!” sambit ko, na dapat nasa isip ko lang.

“Ineng, orange o.”

Napatingin ako sa harapan ko at nakita ko si Tatay na nakangiti habang ibinibigay niya ang kapiraso niyang orange.

Ang ngiti ni Tatay, napaka-tunay – pati rin ang titig niya – habang sinasabing, “ikain mo na lang yan.” Tila bang naiinintindihan niya kung gaano ako kapagod at gutom na gutom galing eskwela.

Orange lang naman.

Pero hindi ito orange lang! Orange ito na nagbibigay motivation sa isang estudyanteng napapagod sa pag-aaral.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat kay Tatay.

Ilang minuto pa lang ang nakalilipas nang may tinawagan si Tatay gamit ang kanyang cellphone.

Naririnig ko naman kung ano’ng pinag usapan nila Tatay, pero isang linya ang pumukaw saking damdamin. 

“Nak, pasensya na 1,000 lang to. Ok lang ba sa’yo? Ito muna.”

Linyang nakapag-paalalang muli sakin kung bakit ako nag-aaral.

Ang sakripisyo ng aking mga magulang, ang dugo at pawis na tumagaktak sa tuwing ibinibigay ang aking mga kailangan sa pag-aaral. Ito ang “pinaka-mapagbigay” na ginawa ng ibang tao – ng pamilya ko – para sa akin.

Salamat ‘Tay sa orange, at nang dahil dito ay nakapag-balik tanaw ako!

Salamat Ma at Pa sa suporta ninyo sa akin! #

Congratulations, Dizan Agudo at salamat sa pagbabahagi ng kwento mo. 🤗

3rd Place: Jonh Randel Austria

“𝐏𝐫𝐨𝐮𝐝 𝐚𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐜𝐡𝐢𝐞𝐯𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐦𝐨.” Simpleng mga salita kung tutuusin. Pero para sa #MalayaAkongLumikhaWeek2 3rd Placer na si Jonh Randel Austria, ito ang pinaka mapagbigay na bagay na natanggap niya mula sa nag-iisang ate niya.

Kwento ni Randel sa kanyang tula, hangad niya ay ang mag-excel sa school at magkamit ng iba’t ibang awards at medalya. Ngunit sa kabila ng kinang ng mga gintong medalyang natatanggap niya, minsan kapalit nito ay ang dilim na dulot ng pressure ng pagkabigo. Relate ka ba?🥺 Kaya naman ganon na lang ang pagka-touched niya nang i-message siya ng kanyang ate sa panahong down siya.

Congratulations, Randel sa pagkamit ng 3rd Place! Proud din kami sa iyo 🤗