Question:
Bakit mahalaga ang sexuality education para sa kabataan? Mag-share ng tip o resource na nakatulong sa'yo na mas maunawaan ang sexual at reproductive health.

1st Place: BG Hermosa

Flower, putotoy, at kung ano-ano pang tawag. For sure narinig mo na itong tawag sa female at male reproductive parts. 😅 Dito pa lang mapapatanong ka na, bakit nga ba hindi malayang napag-uusapan ang tungkol sa sexual and reproductive health? 🤔

Panoorin ang animated video ng #MalayaAkongLumikha Week 6 winner na si BG Hermosa para malaman ang kalagahan ng sex education para sa mga kabataang tulad niya. 

Congratulations BG at maraming salamat sa very informative na video na iyong ginawa 🥰

2nd Place: Lowell Jay Ajose

You know, dapat magkaisa tayo sa pagtuturo ng sex education sa mga kabataan!💯 ‘Yan ang mensahe ni Lowell Jay Ajose sa kanyang cover song na “You Know.” 

Panoorin at pakinggan ang nakakaaliw na cover para mapasayaw ka din sa tune ng Pinoy Ako na pinasikat ng Orange and Lemons 😉 

Congratulations, Lowell for winning 2nd Place sa last week ng #MalayaAkongLumikha!🥳

3rd Place: Michael Evangelista

#MalayaAkongLumikhaWeek6 Winner 3rd

Edukasyon, ito ang naging sentro ng obra ni Michael Evangelista, 3rd Place winner ng #MalayaAkongLumikha Week 6. Para kay Michael, mahalaga ang pagkakaroon ng tamang kaalaman tungkol sa sexual health para maprotektahan ang mga kabataan mula sa di planadong pagbubuntis na pwedeng makasira sa kanilang kinabukasan. Basahin ‘yan dito 👇🏼👇🏼
__________
“Edukasyon, daan tungo sa maayos na kinabukasan ng mga kabataan.” 

Edukasyon ang tanging daan upang mas maunawaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng sexuality education, dahil kung wala ito ay mas maraming kabataan ang magiging hindi handa sa mga isyung may kinalaman sa kanilang kalusugan at responsibilidad sa sarili. Ang pagkakaroon ng maayos at komprehensibong sex education ay nagbibigay ng kaalaman at kakayahan sa mga kabataan na gumawa ng wasto at responsableng desisyon hinggil sa kanilang katawan at relasyon. Ito rin ay nagbibigay proteksyon sa kanila mula sa maaga at di planadong pagbubuntis, pagkakaroon ng sexually transmitted infections (STIs), at iba pang mga panganib na kaugnay ng kalusugan ng mga kababaihan at mga kabataan. 

Sa pamamagitan ng edukasyon, mas mauunawaan ng mga kabataan ang kanilang mga karapatan, na nagbibigay sa kanila ng kakayahang labanan ang diskriminasyon at pang-aabuso.
__________
Congratulations, Michael at salamat sa pagbabahagi ng iyong insight tungkol sa importanteng paksang ito! 🥰

*With minor edits on text